Chapter 28

9.2K 464 89
                                    

TWELVEFOUR

Chapter 28

“Chino!” Tawag niya sa asawa mula sa dining area. Nakaluto na siya at nagsisimula ng uminit ang ulo niya dahil lumalamig na ang pagkain. Nasa kwarto ito at kanina pa niya tinatawag pero kanina pa rin hindi lumalapit sa kanya.

“Chino! Isa!” Bilang niya pero wala pa ring tugon wala rito. Naiinis na tumayo na siya at pumasok sa kwarto. Umikot ang mga mata niya nang makitang abala ito sa paglalaro. Hawak nito ang console at nakatutok ang mga mata sa television screen.

“What are you doing?” Tanong niya rito at pinamaywangan ito.

“I’m thinking.” Sabi nito nang hindi man lamang siya nililingon.

“You’re playing.” Sabi niya rito.

“It’s the same thing for me. Natalino ako kapag naglalaro ako.” Sabi nito at napataas ang kilay niya.

“Really? Papaano?”

“Nakakapag isip ako ng maayos kapag naglalaro ako, mabilis ang decision making ko.” Sabi nito.

“Did you also play when you decided to marry me?” Tanong niya rito.

“Ah, no. I have no intentions of marrying you but when I saw you, I thought that I must have you by all means.”  Sabi nito. Natigilan siya sa sinasabi nito.

“What do you mean?” Tanong niya rito. Naramdaman niya ang pag iinit ng pisngi niya.

“I recognized you immediately. Ikaw yung babae na nakilala ko n’ung college, hindi ko nga lang alam ang pangalan mo noon.”

“And?” Susog niya sa sinabi nito.

“Let’s say my ego was bruised since you didn’t notice me.”

“Wow, really?”

“Oo, sabi ko “tangina, hindi man lang ako nakilala”. Akala ko nga nagpapanggap ka lang pero narealize ko na talagang hindi mo nga ako nakilala. Sa gandang lalaki kong ‘to ay hindi mo ako naalala.” Sabi nito. Tutok na tutok pa rin ito sa nilalaro nito.

“Mayabang ka.” Sabi niya rito at umirap siya.

“Hindi, sinasabi ko lang ang totoo.” Sagot nito sa kanya at ngumisi.

“Kumain na tayo, gutom na ako.” Sabi niya rito.

“Mauna ka na, tatapusin ko lang ang stage na ‘to.” Sabi nito at naiikot niya ang mga mata niya.

“No, sabay tayo.” Sabi niya rito.

“Wife, I won’t stand here no matter what. Hindi mo ako maaabala kaya mauna ka ng kumain kung nagugutom ka.” Sabi nito.

Napasimangot naman siya sa sinabi nito. .

“Fine, kakain ako mag isa.” Sabi niya at tinalikuran na niya ito.

-

Natapos na siyang kumain ay hindi pa rin ito tapos sa paglalaro. Na-clear nito ang sinasabing stage pero nag proceed lamang ito sa kasunod at mukhang malayo la ito bago tumigil.

Twelve FourWhere stories live. Discover now