Chapter 32

9.2K 462 61
                                    

TWELVEFOUR

Chapter 32

Tumawag ang nurse ng Lolo niya sa kanya at sinabing isinugod daw sa ospital ang Lolo niya dahil sa biglaang paninikip ng dibdib at nahihirapan daw itong huminga.

Nag papanic namang sumunod siyang kaagad sa ospital sa labis na pag aalala.

Nang dumating siya sa emergency room ay naroon ang Lolo niya at may nakakabit na oxygen dito pero wala pang resulta ang mga test na ginawa ng mga doktor dito kaya hindi pa sila makampante.

Kinuha niya ang cellphone niya sa bag niya at agad na tumawag sa asawa niya.

“Hi, Missus.” Sabi nito. Nang marinig niya ang boses nito ay hindi niya napigilan ang pag iyak.

“Hey, are you okay? Anong meron?” tanong nito at ramdam niya ang pag aalala nito.

“Si Lolo.” Sabi lang niya at umiyak na ulit.

“Nasaan ka?” Tanong nito.

“Sa St. Andrew’s, nasa emergency room kami.” Sabi niya rito.

“Don’t move, papunta na ako r’yan.” Sabi nito at naputol na ang tawag.

-

Nakaupo siya sa may waiting area nang makita niyang pumasok ang asawa niya sa pintuan. Napatayo naman siya kaagad at sinalubong ito ng yakap. Sumubsob siya sa dibdib nito at doon humagulhol.

“Wife, tahan na. Your Lolo is a fighter.” Sabi nito at inalo siya. Hinahaplos nito ang buhok niya at ang likuran niya. Ramdam din niya ang mahigpit na yakap nito sa kanya.

“Come on.” Sabi nito at pinaupo siyang muli sa upuan. “Stay here, dito nag tatrabaho si Martha, let’s ask around.” Sabi nito pero kumapit siya rito.

“I’m coming with you.” Sabi niya. Ayaw niyang maiwan nito, gusto rin niyang malaman kaagad ang nangyari sa Lolo niya.

-

Nang makita nila si Martha ay nangako itong ito na ang mag aasikaso ng personal sa Lolo niya. Patuloy pa rin naman ang pag iyak niya habang nag hihintay.

“Hey, h’wag ka ng mag alala, kayang kaya ‘to ng Lolo mo.” Sabi ng asawa niya at pinahid ang luha niya.

“Let’s stay positive, okay?” Sabi pa nito at tumango naman siya. “Tahan na, hindi matutuwa si  Lolo kapag ganyang umiiyak ang apo niya.” Sabi pa ng asawa niya at hinalikan siya sa sintido. Yumakap naman siya ng mas mahigpit dito at muling isinubsob ang mukha sa dibdib nito.

Dumating naman ang Daddy niya sa ospital. Pinilit niyang tumahan dahil ayaw niyang isipin nito na mahina siya. Humawak na lamang siya sa kamay ng asawa niya para doon kumuha ng lakas.

“It’s a thrombus, a blood clot in his artery.” Sabi ni Martha at napaluha na naman siya. Inakbayan siya ni Chino at mahigpit na humawak sa kanya.

“So anong treatment ang gagawin natin?” Tanong ni Chino.

“Bibigyan natin siya ng medication then we’ll have a surgery kapag hindi kinaya ng medication, we’ll observe him for a few weeks.” Sabi naman ng doktor ng Lolo niya. Tumango naman sila at kinamayan ng Daddy niya ang Doktor habang niyakap naman siya ni Martha.

“Thank you.” Sabi niya rito.

“You’re welcome. We’ll update you from time to time.” Sabi nito sa kanya at tumango siya.

Lumakad naman ang Daddy niya kasunod ng doktor habang sila naman ni Chino ang nag asikaso ng paglipat ng Lolo niya sa kwarto.

-

Twelve FourWhere stories live. Discover now