Chapter 20

10.4K 461 64
                                    

TWELVEFOUR

Chapter 20

Napapansin niyang parang ilang araw ng palaging pumupunta sa bahay nila si Chino. Parang kasundo nito ang Lolo at Daddy niya dahil minsan ay pumupunta na ito sa mga ito maski hindi siya kasama.

“Hindi ko alam kung bakit boyfriend mo ang lalaking iyon? Malakas ang kutob kong hindi siya mapagkakatiwalaan.” Sabi ni Chris nang muli itong magpakita sa kanya. Sa palagay niya ay frustrated ito dahil nakasundo ng Daddy niya ang asawa niya.

“He’s honest to me.” Sabi niya rito.

“Malay mo pa, kailan mo lang naman nakilala ang lalaking iyon at nagpasya ka na kaagad na makipag date sa kanya?” Mukmok pa nito.

“Chris, please don’t say things like that about him.” Pakiusap niya rito.

“Sinasabi ko sa’yo, lolokohin ka lang n’on.” Sabi pa nito.

“Christopher.” May babala sa tinig niya.

“Fine, I’m just saying.” Sabi nito at lumabas na ng opisina niya.

Siguro nga ay darating ang mga pagkakataon na magkakaroon sila ng mga hindi pagkakaunawaan pero alam niyang maayos din nila iyon ni Chino lalo pa at mag asawa na naman sila. Ayon nga sa vows nila, they will cherish each other above all else.

Tumingin siya sa singsing nila at napangiti siya. A circle unbroken without beginning or end.

Tinawagan niya ito dahil umuwi ito sa Quezon, paakiramdam niya ay ang tagal tagal na nilang hindi magkasama samantalang kahapon lamang ito umalis.

“Hey, Missus. Miss me?” Agad na tanong nito at napasimangot siya. Napaka confident ng lalaking ito. Akala mo palagi ay kung sinong gwapo.

“Ang yabang mo, just gonna ask kung uuwi ka ba tonight? I’ll cook dinner.” Sabi niya rito.

“I’d rather have you as my dinner.”

“Chino!”

Napapikit siya at nahilot ang sintindo. Kahit kailan talaga ang asawa niya. Narinig niyang tumatawa ito sa kabilang linya.

“H’wag ka ng magluto, pagod ka na rin dahil sa maghapong pag tatrabaho sa opisina, sa restaurant na lang tayo kumain.” Sabi nito.

“Sige, how’s Pia pala?” Tanong niya.

“She’s fine, nasa poder siya ni Congressman ngayon dahil wala si Esso rito.”

“Congressman?”

“Biyenan ni Esso.”

“Oh, big time pala ang in laws ni Esso.”

“Lagi niyang katalo. Anyway, I’ll call you later, maghahakot lang kami ng nga ani.” Sabi nito.

“Sige, take care.”

“Yes, Wife. I’ll see you tonight.” Sabi nito at pinutol na ang tawag. Napapangiti na lang siya at nakakagat ang ibabang labi niya. Nakakaramdam siya ng matinding kilig sa pakikipag usap lang sa asawa sa telepono.

-

Himala yata dahil umakyat sa loob ng opisina niya ang asawa niya par sunduin siya, mas nagulat pa siya nang mula sa likuran nito ay naglabas ito ng isang maliit na bungkos ng iba’t ibang klase ng bulaklak. Nakabalot iyon sa kulay kayumangging papel  at may maliit na tali sa ibaba.

Ibinaba nito iyon sa lamesa niya, hinalikan siya nito sa labi pero bago pa siya makapag react ay lumakad na ito palabas ng opisina niya.

Nakatitig siya sa bulaklak at pakurap-kurap doon.

Twelve FourWhere stories live. Discover now