Chapter 33

8.3K 420 42
                                    

TWELVEFOUR

Chapter 33

Ilang linggo na siyang hindi nag o-opisina dahil pabalik balik sila ni Chino sa Quezon at sa siyudad. Hinahayaan naman niya itong nag asikaso ng negosyo dahil alam niyang hindi naman nito pababayaan iyon, isa pa ay nag eenjoy siya sa bakasyon at sa kawalan ng stress at intindihin.

Masyado siyang pina-pamper ng asawa niya.

Isa lang sa medyo ikinamumukmok niya ay mula nang magsabi sila sa kanila ay mas madalas pang pinatatawag ng Daddy niya ang asawa niya kaysa sa kanya. 

Gusto niyang nagtampo sa mga ito pero hindi naman niya magawa dahil sobrang galing namang manuyo ng asawa niya. Kapag nakakaramdam ito na nagtatampo siya ay hindi siya nito titigilan hanggang sa mawala na ang pagtatampo niya. Ginagawa na rin nilang habit na hindi matulog kapag may tampuhan. Mas madalas naman kasing siya ang nagtatampo rito, parang ni minsan ay hindi pa ito tumampo sa kanya.

-

“Wife, wear this.” Sabi nito at may maliit na kahon na inilapag sa harapan niya. Kakauwi lang nilang dalawa sa bahay galing sa kani-kanilang mga opisina.

“What’s this?” Tanong niya at binuksan ang kahita. Naroon ang isang gold necklace na may vertical bar na pendant at may diamond sa dulo.

“What is this for?” Tanong niya rito. Kinuha naman nito iyon mula sa kahita at isinuot sa kanya.

“Nakita ko lang habang naglalakad ako kanina. May bagong bukas na store malapit sa Black Water, I thought of you.” Sabi nito at nagsalin ng kape.

“Thank you.” Sabi niya. Napahawak siya sa kwintas niya.

“You’re welcome, now give me a kiss.” Nakangiting sabi nito. Ngumiti rin siya at tumayo sa upuan. Tumingkayad at yumakap siya sa batok nito at hinalikan ito sa labi.

“I love you.” Sabi niya rito at muli itong hinalikan. Yumakap naman ito sa kanya.

“I love you too.” Sagot nito.

Hinila siya nito sa may sofa at nanuod silang dalawa ng TV hanggang sa nakatulog na siya sa balikat nito.

-

Nagising siyang nasa kama na siya at sa tabi niya ay ang asawa niyang nakayakap sa kanya. Nakapikit ito pero alam niyang gising na ito dahil binibigyan siya nito ng mumunting halik sa pisngi.

“Good morning, Husband.” Bati niya rito at naramdaman niyang ngumiti ito.

“Good morning, Wife.”

Inalis niya ang pagkakayakap nito at bumangon na siya.

“Wait …” Pigil nito sa kanya pero tumayo lamang siya.

“Matulog ka pa.” Sabi niya at agad naman itong nakinig sa kanya. Lumabas siya ng kwarto at tinungo ang kusina. Nais niyang ipaghanda ito ng almusal.

-

Nasa bahay na naman sila ng Lolo at Daddy niya dahil ginawa na yatang habit ng asawa niya ang makipag meeting sa Daddy niya kada hapon. Hindi na tuloy sila gaanong nakakapunta sa restaurant. Ayon naman kasi sa asawa niya ay nahihiya itong hindian ang Daddy niya at lubos naman niyang nauunawaan iyon.

“Naayos mo na ba ang ipinagagawa ko sa’yo?” Narinig niyang tanong ng Daddy niya sa asawa niya.

“It’s done.” Sagot naman ng asawa niya. “I sold it gaya ng plano ko. Habol lang naman kasi nila ay one less competitor.”

Nagkibit balikat siya at nilampasan na lamang ang mga ito.

Nang bumalik siya sa Lolo niya ay nag panic siya nang makita itong hawak ang dibdib. Agad niya itong tinakbo at dinaluhan. Nabuo ang takot sa dibdib niya.

Twelve FourWhere stories live. Discover now