Chapter 27

9.7K 475 94
                                    

TWELVEFOUR

Chapter 27

Nang sumunod na araw ay may dala na ngang bagong painting ang asawa niya at inilalagay sa pinag alisan nito ng painting ni Chris.

“Talagang hindi mo pinatawad iyang painting.” Puba niya rito habang nakahalukipkip.

“This one is expensive. I have to say na marunong pumili ang lawyer mo pero aalisin ko pa rin.” Sabi nito.

“Iyang ipinalit mo? Saan mo naman nakuha iyan?”

“I made it.” Sabi nito at mukhang proud na proud ito sa ginawa.

“Totoo? Ikaw ang gumawa niyan?”

“Oo, kaya mas malaki ang halaga niyan.” Sabi nito at nakapamaywang na tinitigan ang painting nito. Inakbayan siya nito hinalikan sa sintido.

“Itatabi ko na muna ang painting na bigay ni Chris.” Sabi niya at kinuha iyon.

“H’wag na, ibebenta ko na ‘yan.”Sabi nito at inagaw sa kanya.

“Chino naman!”

“Biro lang, ako na mag aayos niyan.” Ngumiti ito sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa labi.

-

Inihatid siya nito sa opisina at nakatingin naman si Jessica sa kanila na parang kinikilig ito. Nang makaalis si Chino ay kaagad itong pumasok sa opisina niya.

“Bati na kayo, Ma’am?” Tanong nito.

“Oo.” Sagot niya at ngumiti rito.

“Kaya pala ang ganda ng ngiti niyo pareho tapos blooming na naman kayo, Ma’am.” Sabi ni Jessica. Napahawak naman siya sa pisngi niyap para pigilan ang paglawak ng ngiti niya.

Ilang oras na siya sa opisina ay nag ring ang cellphone niya. Ang asawa niya ang tumatawag.

“Yes, Husband?” Sagot niya rito.

“Wala na akong ginagawa ngayon, pwede ba akong pumunta sa’yo?” Tanong nito sa napakalambingna tinig. Papaano pa ba siya hihindi kung ganoon ito?

Napatingin siya saa orasan at napansing alas quatro na ng hapon. Malapit na rin namang matapos ang araw.

“Sige, punta ka rito.” Sagot niya at ibinaba ang tawag.

Nagulat siya nang wala pang limang minuto ay dumating na ito at pumasok sa opisina niya.

“You’re fast, saan ka galing?” Tanong niya rito.

“Sumakay lang ako ng elevator. Nariyan na ako sa lobby nang tumawag ako.” Sabi nito. Lumapit sa kanya ang asawa at hinila siya patayo at saka siya niyakap.

“Oh.” Nasambit niya nang maupo ito sa silya niya at kandungin siya. Pinaikot nito ang mga braso sa bewang niya.

“Gawin mo lang ang gagawin mo.” Udyok nito sa kanya.

“Baka may pumasok, doon ka naa muna sa couch.” Sabi niya rito at inaalis ang braso nito sa bewang niya.

“Dito na lang ako. Ayos naman tayo ng ganito.” Sabi nito.

“Mamaya na, sige na. Maupo ka na muna doon sa couch.” Sabi niya rito at sumunod naman ito sa kanya. Napapansin niyang parang nagiging masunurin yata ang asawa niya.

Prente itong naupo roon at natawa siya nang makitang naglalaro ito ng mobile games. Mukhang seryosong seryoso ito sa ginagawa nito.

Tumayo naman siya at pinaggawa ito ng kape, nang ihayin niya iyon dito ay napailing ito.

Twelve FourWhere stories live. Discover now