Chapter 2

15.3K 606 131
                                    

TWELVEFOUR

Chapter 2

She couldn’t help but grin when she heard a noise from the window. Napailing siya dahil mukhang naroon na naman ang kaibigan ni Stacy.

Napataas ang kilay niya nang mapansing alas dose na ng gabi. Napaka routinary naman nito, kung isusumbong niya ito ay madali itong mahuhuli dahil paaabangan lamang niya ito sa labas. Napailing na lang siya sa naisip niya. Nagpasya siyang matulog na dahil maaga pa ang pasok niya bukas.

Pero kaiidlip pa lang niya nang may marinig siyang kumakatok sa bintana. Bumangon siya at tiningnan iyon pero wala namang tao. Ang naroon ay isang maliit na supot, nang buksan niya iyon ay pumailanlang ang matapang na amoy ng kape. Napangiti na lang siya at dumungaw sa bintana, wala na roon ang kaibigan ni Stacy. Dinala na niya sa loob ang kape at isinara na ang bintana.

-

Eksaktong alas dose ng gabi ay wala sa loob na napatingin siya sa labas at hindi niya mapigilang matawa nang makita niya ulit ang kaibigan ni Stacy na nakabitin na naman doon.

“Thanks for the coffee, I like it.” Sabi niya rito at ngumiti ito sa kanya.

“You’re welcome.” Sagot nito.

“Para ka namang unggoy ngayon.” Nasabi niya at ito naman ang natawa sa kanya.

“See you later.” Sabi nito at tumango naman siya at pumasok na sa loob nang makapasok na rin ito sa kwarto ni Stacy.

-

“So what’s up? Nag aaral ka pa rin?” Tanong sa kanya ng kaibigan ni Stacy. Kagaya nang mga nagdaang araw ay nakapwesto pa rin sila sa may fire exit.

“Not really. Nag eenjoy lang talaga akong magbasa.” Sagot niya naman dito. “Ikaw, what’s up?” Balik tanong niya.

“Same lang. We played and Stacy fell asleep.” Sabi nito.

“Kapag nakakatulog na si Stacy ay umaalis ka na?”

“Hindi naman, ayaw ko lang abutin ng liwanag sa labas.” Sabi nito at kumunot ang noo niya.

“Bakit naman?”

“Pakiramdam ko kasi ibang araw na kapag may maliwanag na. I mean para sa akin, hanggang hindi pa nagliliwanag ay gabi pa rin.” Paliwanag nito at napangiti siya.

“Ah, ilang sandali na lang at ibang araw na. Malapit ng magliwanag.” Sabi niya at tumingin ito sa relo nito.

“Hindi pa, mag aalas quatro pa lang.” Sagot nito sa kanya.

“Umaga na rin.” Sagot naman niya at nakita niya itong ngumiti. Niyakap naman niya ang sarili dahil malamig ang paligid.

Ibinaba nito ang zipper ng suot na jacket at hinubad iyon. Nagulat siya nang ipatong nito ang jacket sa mga balikat niya. Kasunod nitong tinanggal ang baseball cap nito at sa unang pagkakataon ay nakita niya ng malinaw ang mukha nito. Salamat sa cap nito dahil hindi masyadong halata na napatitig siya rito.

He looks like someone ready for the kill. Siya iyong may hitsurang hindi mo alam kung tatakbo ka ba papalayo o tatakbo sa mga bisig nito dahil parang ibabalibag ka nito sa sadista o di naman kaya ay sa malambing na paraan. Iyong parang mga kontrabida sa pelikula na inis na inis ka dahil sobrang gwapo pero sobrang sama rin. Idagdag pa ang tumutubong balbas nito. Malalim ang mga mata nito na tila inaantok, may katangusan ang ilong nito, malago na rin ang buhok nito na mukhang tatlong buwan na mula nang magpunta sa barbero.

Gustong matunaw ng tuhod niya. Mabuti na lamang at nakasandal siya sa barandilya ng fire exit dahil kung hindi ay baka bumagsak siya sa panlalambot.

Twelve FourWhere stories live. Discover now