Chapter 22

9.3K 451 99
                                    

TWELVEFOUR

Chapter 22

Nang muli siyang lumabas ng bahay ay wala na naman ang ang asawa niya at si Isabel. Gusto niyang nagalit sa sarili kung bakit nakapunta punta pa siya roon, walang signal, hindi niya magawang tumawag sa driver niya para magpasundo. Ang isolated pa man din ng bahay ng walangh’ya niyang asawa.

Lumabas siya ng bahay at naglakad ng papunta sa may kalsada. Gusto na niyang umuwi.

Nang makarating siya sa kalsada ay eksaktong nakasalubong niya si Esso at si Sophia, mukhang papunta ito sa bahay ni Chino.

“Anong ginagawa mo sa labas? Alas sais na ng gabi.” Sabi ni Esso at bumaba ng sasakyan.

“Huh? Wala.” Tanggi niya.

“Nasaan si Chino?” Tanong pa nito.

“Huh? Lumabas siya.”  Sabi niya.

“Iniwan ka niya rito? Walang kuryente at walang signal, delikado kapag ganito baka mamaya ay may mga mapagsamantala, lalo pa at ganito ang panahon.”

“Baka may inaasikaso lang siya.” Sabi niya at yumuko siya at naupo sa may sofa.

“Baka? Nag away ba kayo?” Tanong ni Sophia sa kanya at napatingin siya rito.

“Sino si Isabel?” Tanong na lang niya kaysa sumagot sa tanong nito.

Nagtinginan ang mag asawa at nakaramdam siya ng panic. Anong ibig sabihin ng tinginan ng mga ito?

“Well, ang alam ko kaibigan siya ni Chino.” Sabi ni Esso.

“Kaibigan lang ba niya?”  Tanong niya.

“Iyon ang alam ko. Bakit?”

“She was here this morning at kahit kanina ay narito sila. They seems to be more than just friends to me.” Sabi niya sa dalawa.

“Kaibigan niya lang ‘yon, h’wag kang mag alala, ang alam ko rin kasi ay gusto niyang bilhin iyong lupa nila Isabel. Negosyo lang ‘yon.” Sabi ni Esso at tibabihan naman niya ni Sophia.

“Negosyo lang din naman ako.” Mahinang sabi niya.

“Anong ibig mong sabihin? H’wag kang mag isip ng ganyan.” Si Sophia at niyakap siya nito. Sa yakap ni Sophia sa kanya ay hindi niya napigilan ang maiyak. Itinakip niya ang kamay niya sa mukha at naging sunud sunod ang paghikbi niya.

“Hey, it’s okay.” Sabi ni Sophia at inalo siya.

“Putangina, nasaan ba iyang si Chino?” Sabi ni Esso at lalo lamang siyang naiyak. Malamang ay kasama ng asawa niya si Isabel at ayaw niyang i-entertain ang kung ano mang ideya na pumapasok sa isip niya.

“I’m okay. Mag uusap na lang kami, kakausapin ko na lang siya.” Sabi niya dahil ayaw na niyang pag alalahin pa ang mag asawa.

“Are you sure?” Tanong ni Esso.

“Oo, ako ng bahala.” Sagot niya at pinahid na ang luha niya. “Anyway, nag dinner na ba kayo? Let’s eat something.” Sabi niya sa mga ito.

“May dala nga kami para sa inyo eh. Gusto mo bang doon ka na muna sa bahay para may kasama ka?” Tanong ni Esso.

“Yes, sama ka na muna sa amin, ihahatid ka na lang namin ni Esso mamaya.” Sabi ni Sophia.

“Sige, mag aayos lang ako.” Sabi niya sa mga ito. Inayos ang sarili at sumama siya sa mag asawa, ayaw din naman niyang nag isa siya roon.

-

“Hija! Narito ka pala? Hindi ka man lang dinala ni Chino rito.” Bungad sa kanya nang Mama nito.

Twelve FourOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz