Chapter 7

11K 507 134
                                    

TWELVEFOUR

Chapter 7

Walang Chino Arvesu sa harap ng bahay niya nang lumabas siya kinabukasan. Ang driver niya ang naroon.

Nang sabihin nito nang nagdaang gabi na pupuntahan siya nito ay umasa siya. Alam niyang itinaboy niya ito at hindi pinahintulutan sa pagsundo sa kanya kaya ano na naman itong nararamdaman niya’t parang nagmamaktol ang puso niya.

Sumakay siya sa sasakyan at nagpahatid lang sa opisina.

“Good morning po, Ma’am.” Bati sa kanya ni Jessica.

“Good morning, Jess.” Sabi niya rito at pinasunod ito sa kanya sa loob ng opisina.

“Ma’am, ang ganda naman ng singsing niyo.” Puna ni Jessica at napatingin siya sa daliri niya. Muntik na niyang makalimutang nakasuot nga pala sakanya iyon.

“Thank you.” Sabi niya lang.

“May diamond, Ma’am. Engagement ring po ba ‘yan?” Tanong ni Jessica at halatang kinilig ito. Napabuntong hininga na lang siya. Kung alam lang ni Jessica kung papaanong nagkaroon siya ng singsing ay baka umiyak ito sa sama ng loob.

Kung sinu-sino na rin ang inireto nito sa kanya, at full support pa ito sa kaibigan niyang si Chris kahit pa ilang beses niyang sabihin na magkaibigan lang sila. Kung bakit nga ba hindi pa maghanap ng iba si Chris.

Nang maisip ang kaibigan ay dapat na rin siguro niyang sabihin ang mangyayari sa negosyo niya bilang abogadong kumakatawan sa kanila.

Hahanap na lang siya ng magandang timing pero tiyak na magagalit ito sa kanya.

“May boyfriend ka na ba, Ma’am?” Tanong ni Jessica pero hindi siya sumagot.

“May changes na magbabago, I’ll have someone to help me manage things around here. Ipapakilala ko rin siya sa inyo but for the mean time please h’wag mo munang ipagsasabi kahit kanino, lalung lalo na kay Dad.” Pakisuyo niya kay Jessica at tumango naman ito.

“Mabait po ba iyong makakatulong niyo?” Tanong nito sa kanya.

“I’m not sure, isa lang ang sigurado ako at iyon ay desidido siyang mas palaguin pa ang kompanya at gagawin niya ang lahat makuha lamang ang gusto niya.” Sabi niya.

“Mukhang mas nakakatakot pa sa inyo ‘yon, Ma’am.” Sabi ni Jessica at natasa na lang siya sa sinabi nito at hindi na iyon sineryoso pa. Nang mapagtano naman ni Jessica ang sinabi ay agad nitong tinakpan ang bibig at humingi ng tawad sa kanya.

Alam naman niyang takot sa kanya ang iba sa mga empleyado nila lalo na ang mga team leaders pero iyon ay dahil estrikto siya. Pero ni minsan ay hindi naman niya sinamantala ang posisyon para makuha ang gusto niya sa mga ito. Hindi naman niya inaalipusta ang mga ito isa pa ay talagang tiwala rin naman sa mga taong kasama niya.

-

Her phone was ringing for awhile pero unknown number iyon kaya’t hindi niya sinasagot. She even placed it on silent mode at inilagay iyon sa loob ng bag niya para hindi na niya iyon mapansin. Inaayos niya ang mga papeles na ipakikita niya kay Chino.

Ayaw naman kasi niyang sabihin nito na may pagkukulang siya kung bakit bumababa ang sales nila. Kinakailangang handa siya para kung tanungin man siya nito ay may ihahampas siyang pruweba rito.

Nag ring ang telepono sa loob ng opisina at kinuha niya iyon.

“What is it, Jess?” Tanong niya rito.

“Ma’am, tumatawag na naman po si Mr. Arvesu at hinahanap kayo, ano pong sasabihin ko?”

Napabuntong hininga siya at nahilot ang sintido niya. Ano na naman bang kailangan sa kanya ng mayabang na lalaking ito? Tumatawag kung kailan maisipan.

Twelve FourWhere stories live. Discover now