Chapter 16

11.6K 527 93
                                    

TWELVEFOUR

Chapter 16

Hinahalikan siya nito sa balikat at mahigpit ang yakap nito sa kanya. Hawak niya ang braso nito habang nakatanaw naman siya sa labas. Hindi niya mapigilang mapangiti habang inaalala ang naganap sa kanilang dalawa.

Tuluyan na niyang isinuko aang sarili rito. Hindi naman kasi niya alam kung papaano pa niya pipigilan ito. Idagdag pang alam niyang matindi ang pisikal na atraksyon nila sa isa’t isa. Wala rin namang masama dahil asawa na niya ito.

Sa tingin pa nga lang nito ay nanlalambot na siya. Ngayon ngang panay ang haplos nito sa kanya ay napapapikit na lang siya sa mumunting kiliting dulot nito sa kanya.

“I have something to ask.” Bulong nito habang patuloy pa rin sa paghalik sa kanya.

“What is it?” Tanong niya at humarap dito. Tumuon naman ito sa palad nito habang nakatingin sa kanya. Hinawi nito ang buhok niyang humaharang sa mukha niya at marahang hinaplos ang pisngi niya.

“We’ve met before.” Sabi nito at napakunot ang noo niya.

“Really? I don’t remember meeting you.” Sabi niya.

“Ouch.” Sabi nito at humawak sa dibdib nito na tila ba nasaktan ito sa sinabi niya.

“Kailan?” Tanong niya rito.

“College, kaya kakaunti lang ang lamang sa akin ng lawyer mo kung tagal sa pagkakakilala ang pag uusapan.”

“Wait, school mates ba tayo?” Tanong niya rito. Inisip niya bigla ang mga naging kaklase at schoolmates niya noon. Wala siyang maalala na Chino Arvesu.

“Nope, sa Seville ako.” Sabi nito.

“Sa Seville? Really? Papaano tayo nagkakilala? Wala akong natatandaan na may naging kakilala ako sa Seville. Pahingi nga ng resume mo, Mister.” Sabi niya at tumawa ito. Niyakap siya ulit nito at isiniksik ang mukha sa leeg niya.

“Talagang kinalimutan mo na pala ako.” Sabi nito.

“Ano nga? Saan tayo nagkita?”

“Do you remember that guy na nakakakwentuhan mo in the middle of the night sa fire exit ng dorm mo?” Tanong nito.

Nag isip siya at binalikan ang mga nangyari noong nasa college pa lang siya. Lalaking nakakakwentuhan niya sa gabi sa may fire exit? Sandali …

“The one climbing over the window?”

Nanlaki ang mga mata niya at napahawak siya sa pisngi nito.

“Oh my God!” Nasabi niya at natakpan niya ang bibig niya. “Twelvefour!”

“What?” Nakakunot na tanong nito.

“Pinilit ko si Dad at si Lolo na pumasok sa coffee business because of the coffee you gave me! I was so into it back then.”

“Really?”

“Well hindi kita maitanong kay Stacy dahil baka mag panic siya kapag nalaman niyang nakikita kitang pumapanhik doon. I started the business in hopes of meeting you again dahil hindi na kita nakita ulit, then ayon nalunod ako sa trabaho at nakalimutan na kita.” Sabi niya rito at humalakhak ito ng tawa.

“But look at us now.” Sabi nito at kinabig siya para halikan sa labi.

“I’m now sleeping with the guy who slept with my neighbor!” Sabi niya t muli itong tumawa.

“That guy is your husband.” Sabi nito sa kanya at muli siyang hinalikan sa labi. Napangiti na lang din siya. Hindi niya inakala na makikita niya ulit ang lalaking ito matapos ang matagal na panahon.

Twelve FourDove le storie prendono vita. Scoprilo ora