Chapter 25

10.1K 439 101
                                    

TWELVEFOUR

Chapter 25

Tanghali na nang magising silang mga babae. Paglabas niya ng kwarto ay gising na si Chino, Esso at Julian at mga nagluluto na ng almusal. Si Jacob at Pipo naman ay mukhang masarap pa rin ang tulog doon sa sahig.

“Good morning, Wife.” Bati sa kanya ni Chino. His deep, husky voice sent something chilly and fiery down her spine.

“Good morning.” Bati niya rin dito pero walang emosyon ang sa kanya.

Akma siyang magsasalin ng kape sa tasa nang unahan siya nito.

“Ako na.” Sabi niyo at ipinagsalin siya ng kape.

“Thank you.” Batid niya.

“May salad dito, Lauren, kuha ka.” Sabi ni Esso at inabutan siya ng pinggan.

“Thank you.” Sabi niya sa bayaw niya at ngumiti rito.

“Bakit si Esso nginitian, ako hindi? Tangina, ako ang asawa.” Narinig niyang bulong ni Chino at hindi maganda ang tono ng pananalita nito. Tumalikod ito at nagsalin ng kape sa sariling tasa. Nagmumura pa rin ito kaya lumapit na siya rito at tinabihan ito.

“H’wag na h’wag na ikaw pa ang matatampo sa akin at ako pa ang manunuyo sa’yo, wala akong kasalanan sa’yo. Gusto ko lang ipaalala.” Sabi niya rito. Nang tumunghay siya rito ay napatanga ito sa kanya.

“Lauren, I ….”

“Hold your tongue, h’wag mo akong babaliktarin, Chino.”

“Hindi naman kita binabaliktad. Hindi naman ako nagtatampo.” Paliwanag nito, hinawakan nito ang braso niya para pigilan siyang lumayo nang humakbang siya paatras.

“I’m just saying.” Sabi niya.

“Hindi naman kasi ako nagtatampo, ang akin lang ay nginitian mo si Esso pero akong asawa mo ay hindi.” Sabi nito sa kanya.

“Kapag walang ibang babae ay naaalala mo biglang ako ang asawa mo.” Sabi niya rito at napahinga ito ng malalim at naisuklay ang kamay sa buhok.

“Lauren, iyan na naman ba ang pagtatalunan natin?” Tanong nito.

Napansin naman niyang umalis na si Esso at Julian sa kusina at iniwanan silang dalawa. Baka napansin ng mga ito na nagtatalo sila.

“Masama ang loob ko sa’yo at hindi mawala sa isip ko yung ginawa mong pagtrato sa akin sa harap ni Isabel. Hindi ko mapigilan na hindi sabihin ‘yung ganito. Anong gagawin mo? Aawayin mo rin ako?” Sabi niya rito pero sa mahinahong paraan. 

“I’m sorry.” Sabi nito at nag iwas ng tingin.

Napasandal naman siya sa may counter at napabuntong hininga.

“Hindi ko rin naman gustong magalit. Nakakapagod din na nakikipagtalo ako sa’yo.” Sabi niya.

“I know, I’m sorry.” Sagot naman ito at sumandal na rin ito sa counter sa tabi niya.

“I’m sorry din.” Sabi niya.

“Don’t. Lalo lang akong ma-g-guilty.” Sabi nito at tumingala. Hinaplos nito ang leeg nito papunta ss batok nito. Napansin niya ang tumutubong stubbles sa baba nito. Mukhang ilang araw na itong hindi nag aahit.

He looked sinister.

Napatuon siya sa counter dahil pakiramdam niya ay biglang nanlambot ang tuhod niya.

Umalis na siya sa kusina nang magising na sila Jacob at Pipo. Pumunta siya sa may tabing dagat at nagpahangin na lang doon. Naglalakad siya roon nang may humagip sa kamay niya. Nang lingunin niya ay ang asawa niya iyon.

Twelve FourWhere stories live. Discover now