Kung ibabalik tanaw ang nakaraan,
Maraming pagsubok ang naranasan.
Hirap ng buhay ay nasaksihan
Ngunit, ang lahat ay nalagpasan.
Gintong Aral ay napulot,
Pagbabago ang dulot.
Iwaksi sa puso't isipan ang poot.
Paglimot sa nakaraan ang tamang sagot.
Pinagtibay rin ang kalooban
Sa mga pagsubok patuloy na lumalaban,
Naging malawak ang saklaw ng isipan
Sa mga bagay sa sanlibutan.
Naging mapanuri ka sa pakikisama sa kapwa,
Natutong pahalagahan ang pamilya,
Sapagkat libong beses man madapa
Sila ang tutulong na muling makatayo ka.
Pagmamahal sa sarili nabuong muli.
Tiwala sa sarili binubuhay muli
Babangon sa huling sandali
Hamon ng buhay haharapin nang wlang pasubali.
Sa ngayon, natuto kang kumilala sa Diyos.
Sa Kaniya nagtitiwala kang lubos
Panalangin sa puso'y tumatagos
Na sana pagpapala sa iyo ay ibuhos.
YOU ARE READING
Ang Buhay ay isang Tula
PoetryMga tula tungkol sa buhay, pag-ibig, pagsubok, pananampalataya, at iba pa.