Pangarap Ko

935 3 0
                                    

Pangarap ko noon, simple lang naman--

Magkaroon ng masayang pamilya at tahanan,

Ngunit ako'y nabigo at naging luhaan.

Ang simpleng pangarap, naglaho nang tuluyan.


Mahirap mang tanggapin,

Na ang pangarap ay naglaho sa hangin.

Nais ko man itong abutin,

Ngunit 'di ko na kakayanin.


Kaya't sa bawat pag-usad ng panahon,

Ang isip at puso ko'y nakatuon

Na maisaayos ang buhay ko ngayon,

Sa tulong ng ating Panginoon.


May pagluha man sa aking mga mata,

Dahil sa kabiguang nadarama,

Ngunit alam ko ito'y titila

At mapapalitan ng sigla.


'Di ko ninais na pangarap ko'y maglaho,

Ngunit tadhana'y sadyang mapaglaro.

Sa pangarap ko, ako'y binigo,

Na halos lumuha ako ng dugo.


Ano pa nga ba ang aking magagawa,

kung ito na ang aking tadhana?

Alam ko naman, ang Diyos 'di sa akin magpapabaya,

'pagkat Siya, sa akin, ang may likha.


Ang Buhay ay isang TulaWhere stories live. Discover now