Simpleng Buhay

2.3K 3 0
                                    

Nais kong balikan ang kahapon--

Isang payak ang pamumuhay noon,

Doon sa aming nayon,

Na malayong-malayo sa polusyon.


Bahay kubo ang tirahan,

Na napapalibutan ng mga halaman,

Sariwang gulay at prutas sa kapaligiran.

Akin itong kinagigiliwan.


Mga huni ng ibon at insekto,

Musika sa pandinig ko,

Na sinasayawan naman ng mga puno

Sa ugoy ng hanging napakapresko.


Sa malagong puno'y sumilong ako,

Tinatanaw at ninanamnam ko,

Ganda ng kalikasan, parang paraiso,

Biyayang handog ng Diyos sa tao.


Sa simpleng buhay' masaya na ako.

Payapa at matahimik walang gulo,

Kuntento at maligaya ang buhay ko

Sa tirahang bahay kubo.

Ang Buhay ay isang TulaWhere stories live. Discover now