Rosas na pula, kaakit-akit ka.
Sa ganda mo, ako'y nahalina.
Halimuyak mo ay kakaiba,
Na sa puso ko'y bumihag talaga.
Sa kulay mong pula
Tumingkad lalo ang iyong ganda--
Gandang 'di maihahalintulad sa iba
'Pagkat pag-ibig ang simbulo nito, 'di ba?
'Di naglaon, ika'y naging akin
Sapagkat ako'y inibig mo rin.
Naging isa ang ating puso't damdamin.
Saksi ang araw at mga bituin.
Ngunit 'di nagtagal, ako'y may nakita,
Ganda mo'y unti-unting nawawala,
Tingkad ng kulay, naglaho na parang bula.
Halimuyak mo'y 'di ko na masikmura.
Sa muli, pinagmasdan kita
At, ako sa'yo ay may napuna,
Katawan mo'y may tinik pala,
Na susugat sa aking nadarama.
Mapanlinlang pala ang iyong ganda,
At nabulag ang aking mga mata.
Rosas na pula, kumukupas ka rin pala
At may katangiang 'di kaaya-aya.
YOU ARE READING
Ang Buhay ay isang Tula
PoetryMga tula tungkol sa buhay, pag-ibig, pagsubok, pananampalataya, at iba pa.