Mahal Kita Higit sa Buhay Ko

313 1 0
                                    

Mahal kita, mahal, mahal na mahal--

Pagmamahal na 'di ko nadama sa iba,

Pagmamahal na ngayon ko lang nadama

Pagmamahal na handang magparaya,

Na sa piling mo bumuo ng pamilyang payapa't masaya.


Handa kong iwan, buhay na aking nakasanayan--

Buhay na sagana sa karangyaan.

Pikit-mata ko itong tatalikdan,

Sa ngalan ng ating pagmamahalan.

Handa akong sumuong sa anupaman,

Basta't kasama kita sa lahat ng laban.


Mahal kita higit sa buhay ko

Ikaw ang lalaking pinapangarap ko--

Lalaking nagpatibok ng pihikan kong puso,

Ikaw lang at tanging ikaw lang ang isinisigaw nito.

Pagharap sa dambana, sasama ako

Ihahandog ang puso't kaluluwa ko.


Sa harap ng tao at Diyos, susumpa ako,

Sa'yo ibubuhos, oras, panahon, at pag-ibig ko.

Sa lahat ng dagok ng buhay, kasama mo ako,

Hinding-hindi kailanman ako susuko.

Marubdob na pagmamahal ko'y 'di maglalaho,

Habang nabubuhay, magniningas itong pagsinta ko.


Pangako, sa piling ko 'di ka magsisisi

Sapagkat pag-ibig ko sa'yo ang kakandili.

Mamahalin kita hanggang sa huli,

Magiging karamay mo sa bawat sandali,

Sa lungkot, ligaya at pighati.

Iyan ang pangako kong mananatili.


Ang Buhay ay isang TulaKde žijí příběhy. Začni objevovat