Malaya Ka Na, Mahal Ko

867 2 0
                                    

Nang ikaw ay nagpapaalam na,

Sakit at kirot sa puso ay nadama,

Di matanggap na ika'y mawawala na

Dahil sa akin ay 'di ka maligaya.


Sa bawat paghakbang ng iyong mga paa

Ibig kong ipikit ang mga mata

Ayokong makitang papalayo ka,

Iiwan akong nag iisa't nagdurusa.


Humihiyaw ang puso kong pigilan ka

Na sabihin sa'yong mahal na mahal kita.

Sana sa akin ay magbalik ka

At sabihin mong "Mahal din kita!"


Ngunit, isip ko'y kumukontra--

Ang sigaw nito'y "Gumising ka na

Sa katotohanang sa kaniya'y 'di ka liligaya!

Habang buhay lang sa kanya'y magdurusa."


Marahil, tama ang bulong ng isip ko,

Tama ngang minsa'y naging bulag, bingi't manhid ako---

Manhid sa katotonang minsa'y'di inibig at ginusto,

At nagmalimos ng kaunting pagmamahal mo.


Sige, oo, sige, palalayain na kita

Baka sakaling ikaw ay sumaya--

Sumaya sa kalayaan na ibinibigay ko na.

Hinanakit sa puso ko'y lilimutin na.


Paalam na sa'yo, mahal ko...

Patawad naging makasarali ang pag-ibig ko.

Tinatanggap ko na ang iyong paglayo.

Sana'y lumigaya na ang iyong puso.

Ang Buhay ay isang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon