Ikaw ay laging abala,
Sa trabaho'y subsob ka,
Halos wala nang pahinga.
Sa trabaho'y adik ka na ba?
Sa pag-ikot ng kamay ng orasan,
Ikaw ay nakikipagsabayan,
Na tila wala ring kapaguran
Sa trabahong wala nang katapusan.
Oras nga sa iyo ay ginto,
Pinahahalagahan, bawat segundo--
Segundo na binibilang mo
At ayaw na sayangin ito.
Sabi mo, 24 oras ay kulang pa.
Humihirit ka pa talaga!
Nais mo itong dagdagan pa.
Ikaw ba ay robot na?
![](https://img.wattpad.com/cover/88972293-288-k70550.jpg)
YOU ARE READING
Ang Buhay ay isang Tula
PoetryMga tula tungkol sa buhay, pag-ibig, pagsubok, pananampalataya, at iba pa.