Marami nang minahal na babae,
'Di na mabilang sa aking daliri,
Ngunit sa hiwalayan lang nauuwi,
Kaya't puso ko'y laging sawi.
Minahal naman sila nang totoo,
Kasa-kasama sa mga pangarap ko,
Sila halos ang nagpaikot ng aking mundo,
At bumuo ng pagkatao ko.
Bakit sa huli, lagi na lang luhaan?
Pag-ibig naman, sa kanila'y inilaan,
Bakit nagagawa pa akong pagtaksilan?
Minahal naman sila nang lubusan.
May kulang pa ba
Sa aking pagsinta?
Halos lahat ibinigay ko na.
Pag-ibig sa sarili, wala nang natira.
Totoo bang walang forever
Kaya, hiwalayan na lang ever
At ang love life, laging bitter
Naming mga sweet lover?
Ngunit, ako pa ri'y umaasa
Na ako'y magiging masaya
Sa piling ng babaeng nakatadhana
Na aking makakasama.
Ang forever ko'y hihintayin,
Na dumating sa akin,
Na ako'y tapat na mamahalin,
At karapat-dapat ko ring ibigin.
![](https://img.wattpad.com/cover/88972293-288-k70550.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Buhay ay isang Tula
PoetryMga tula tungkol sa buhay, pag-ibig, pagsubok, pananampalataya, at iba pa.