Salamat Sa'yo, Hinango Mo Ako

219 1 0
                                    

Ako'y isang taong makasalanan,

Simula pa lang nang ako'y isinilang

Ng aking mahal na mga magulang,

Na sina Eba at Adan.


Nasadlak ang aking kaluluwa

Sa kumunoy ng pagkakasala;

Buhay ko ay napariwara;

Ang landas na tinahak ay pakaliwa.


Mga salita Mo ay binalewala

'Pagkat ang ibig ko ay maging malaya

Na mamuhay sa sariling mundo

At ayaw makinig sa mga payo Mo.


Tuluyang tumigas ang puso ko

At nakaligtaang magsumamo.

Nagbibingi-bingihan ako

Sa mga mapagheleng tinig Mo.


Ngayon, nakamtan na ang ibig ko...

Naging masalimuot naman ang buhay ko

At sa kadiliman may hinahanap ako--

liwanag sa madilim kong mundo.


Nasumpungan ko na lang aking sarili,

Nakaluhod at sa paanan Mo ay humihikbi.

Lubusan akong nagsisisi

Sa mga pagkakamali at pagkamakasarili.


Nadama ko naman ang Iyong pagpapatawad

At muli Mong iniabot ang iyong mga palad,

Na tanda na ako'y mapalad,

Kahit ako'y naging huwad.


Dahil 'di tumalima sa nais Mo

Pinairal ang tigas ng aking ulo.

Salamat sa Iyo, hinango Mo ako

Sa impiyernong kinasadlakan ko!

Ang Buhay ay isang TulaWhere stories live. Discover now