Panginoon, pinupuri kita't pinapasalamatan
Sa wagas mong pag-ibig na 'di matatawaran.
Pag-ibig Mong handog sa sangkatauhan.
Ang iyong buhay sa amin ay inilaan,
Nagdusa't naging sanhi ng kamatayan
Upang kasalanan nami'y iyong pagbayaran.
Gaano mang kalbaryo ang Iyong naranasan,
Pinasan Mo ang krus ng sanlibutan
Alang-alang sa aming kaligtasan.
Ipinako Ka sa krus ni Poncio Pilato,
Katawan Mo'y hinagupit ng mga tao,
Tagos sa butong kirot at sakit ang nadama Mo.
Binalewala Mo lang ang lahat ng ito.
Upang kami'y 'di malugmok sa impiyerno,
Mailayo kay Satanas na sa Iyo'y nagkanulo.
Ikaw ay nagkatawang-tao,
Ibinuhos at ibinuwis ang buhay Mo
Nang dahil sa pag-ibig Mo.
Ginintuang puso nga'y taglay Mo
Perpektong pag-ibig nagmumula lang sa Iyo,
Kaya, ito'y pinasasalamatan ko.
YOU ARE READING
Ang Buhay ay isang Tula
PoetryMga tula tungkol sa buhay, pag-ibig, pagsubok, pananampalataya, at iba pa.