Mantsa

144 2 0
                                    

Sa isang bagong damit,

Mantsa ay kumapit.

Tinatanggal kong pilit,

Ngunit ito'y sadyang makapit.


Paano ko nga ba ito tatanggalin

Sa damit na mamahalin?

Kahit anong gawin,

Mantsa ay nakakapit pa rin.


Kay hirap pala,

Tanggalin ng mantsa.

Kapag sa damit nakakapit na,

Mahirap nang mawala.


Mantsa'y madalas napupuna

Ng mga mapanuring mata,

At, ang isip na mapanghusga

ito'y 'di na maaaring mabura.


Ang Buhay ay isang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon