O, kabigha-bighaning bituin sa langit,
Na sa kalawakan ay kay kirit,
Puwede ba sa'yo, ako'y pumalit
Upang sa akin sila ri'y maakit?
Ibig kong maging katulad mo,
Tinitingala at hinahangaan ng tao
Kumikislap at nagniningning sa buong mundo,
Tumatanglaw sa nasasakupan mo.
Kung ako'y maging bituin, ulap ay hahawiin,
Angkin kong liwanag sa tao, ibabahagi rin
Upang magsilbing ilaw sa mundong madilim
At ang pag-asa nila ay muling kamtin.
Tunay na ito ang gusto ko--
Ang magningning sa puso ng tao,
Sa pamamagitan ng mga tula ko,
Na tatak sa kanilang mga puso.
Umaasa akong ito'y magkatotoo,
Hindi lamang maging pangarap ito
Na magsisilbing bituin na kikislap ako,
Magbibigay liwanag at niningning sa kapwa ko.
Maaaring ito lang ay ilusyon
Sa tulad ko, na nagdilim ang kahapon,
Ngunit sisikaping magsilbing inspirasyon
Sa mundong pinapasok ko ngayon.
Kaya, sana sa aking mambabasa...
Liwanag sa puso, sana'y inyong madama.
Sa lahat ng aking akdang ginagawa,
Aral sa buhay ang nais kong iwanang alaala.
CZYTASZ
Ang Buhay ay isang Tula
PoezjaMga tula tungkol sa buhay, pag-ibig, pagsubok, pananampalataya, at iba pa.