Hay, sahod, bakit napakailap mo?
Sa palad ko ay 'di ka dumadapo?
Para kang ilusyunista't mahikero
Na darating sa aki'y isa nang resibo.
Pinaghirapan kita ng isang buwan.
Katumbas nito'y pawis sa aking katawan
At lungkot sa mata kong luhaan
Upang ikaw lang ay makamtan.
Pagdating mo'y aking kinaiinipan,
Halos hilahin ko na ang buwan
Upang ikaw ay mahawakan,
Nang ang pagod ko'y maibsan.
O, kay lupit mo naman!
Puwede bang maging close tayo minsan?
Nang ang bulsa ko nama'y magkalaman
Nang 'di naiiwang luhaan.
Kailan ka ba magiging akin?
Nang ang wallet ko'y magkalaman din
At nang mabili anumang aking naisin
Na makapagpapaligaya sa akin.
Sa susunod na buwan, aabangan kita.
Sana'y naisin mo akong makita.
Sa palad ko ay mahawakan kita
At ikaw ay aking makasama.
YOU ARE READING
Ang Buhay ay isang Tula
PoetryMga tula tungkol sa buhay, pag-ibig, pagsubok, pananampalataya, at iba pa.