O, kay palad ko!
Sa ganda ng kalikasan ko--
Handog ng Diyos sa tulad ko
Upang pagyamanin at alagaan ito.
Isa itong mala-paraisong tahanan,
Natatamnan ng iba't ibang kapunuan,
Nagbibigay-lilim sa sangkatauhan
At sariwang hangin sa kapaligiran.
Mga bulaklak dito'y naggagandahan,
Na may iba't-ibang katangian--
Kulay na masisilayan
At halimuyak na aking kinagigiliwan.
May mga insekto ring nagliliparan,
Masaya at payapa ring naninirahan.
May mga ibon ding nag-aawitan,
Himig ay kay gandang pakinggan.
Sariwang gulay at prutas ako'y biniyayaan,
Sa nutrisyon at bitamina ay mayaman
at mabuti sa aking kalusugan.
Iyan ang pagpapalang handog ng kalikasan.
Dagdag pa ang malilinaw na ilog at batis,
Na sa balat ko'y nagpapakinis.
Tubig na mayaman din sa mineral,
Biyaya sa akin ng Maykapal.
Wala na akong hihilingin pa,
Biyaya sa akin ibinuhos na.
Salamat sa iyo, Diyos Ama,
Sa kalikasang ito na kay ganda.
YOU ARE READING
Ang Buhay ay isang Tula
PoetryMga tula tungkol sa buhay, pag-ibig, pagsubok, pananampalataya, at iba pa.