Buti pa ang net, hinahanap-hanap mo.
Kulang ang araw kung wala ito.
Siya na yata ang bumubuo ng mundo mo,
Nagpapaikot ng buhay mo.
Kapag walang net, 'di ka masaya,
Mukha mo ay 'di maipinta.
Kapag wala siya,
Lagi kang nakatulala.
Hinihintay lagi, pagdating niya,
Kinaiinipan bawat minutong wala siya.
Di ka na talaga mabubuhay kung wala siya.
Halata naman sa mga kilos mo at pananalita.
Lagi na lang siya ang iniisip mo.
Ukupado na ang utak mo,
Samantalang nagpapapansin ako sa'yo,
Ngunit balewala lang ako.
Sana'y net na nga lang ako
Para lahat ng iyan, solong-solo ko,
Walang kaagaw sa atensiyon mo,
At takot, mawala sa buhay mo.
BẠN ĐANG ĐỌC
Ang Buhay ay isang Tula
Thơ caMga tula tungkol sa buhay, pag-ibig, pagsubok, pananampalataya, at iba pa.