Sa Aking paglalakbay

677 0 0
                                    


Ako'y nalulumbay

sa aking paglalakbay.

Sa pamilya ko'y nawalay

dahil sa hirap ng buhay.


Ngunit anong magagawa,

Kung dito ako itinadhana

Ng sa akin ay lumikha.

Ito rin nama'y pagpapala.


Ngayon, ako ay nandito na,

Lagi akong nangungulila,

Mata ay 'di mapigilan sa pagluha...

Nais ko, na makasama sila.


Ako ay totoong nanabik

Sa init ng kanilang yakap at halik.

Lagi ko silang nasasaisip,

Nangangarap, makasama kahit sa panaginip.


Mabilis namang lumilipas ang araw at buwan,

Pinagmamasdan lagi, bawat galaw ng orasan,

At ang kasabay nito'y paglaki nila'y 'di masisilayan

Sa araw-araw ay 'di magagabayan.


O kay lungkot namang isipin

At napakasakit sa damdamin!

Sila ay malayo sa aking piling

'Di nakikita sa tuwing ako'y gigising.


Kaya, sa tuwi-tuwina ako ay nangangamba--

Kumusta na kaya sila?

Ako ba ay lagi nilang naalala

At nasa puso pa nila?


Iyan ang mga katanungan,

Nakintal sa aking isipan.

Sana ina nila'y 'di nila malimutan--

Ang isang inang nagmamahal nang lubusan.

Ang Buhay ay isang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon