Mga Alaala

238 3 0
                                    

Ayaw ko nang lumuha pa

At mamuhay na ang puso'y balot ng pagdurusa.

Nais kong iwaksi at ibaon ang mga alaala

Nang kabigua'y maglaho na.


Paano nga ba ako magsisimula?

Saan at paanong paraan ako makakawala

Sa isang bangungot na pinagdaanan ko

Sanhi nang pagkadurog ng aking pagkatao?


Paano ako babangon

Sa isang malupit at mapait na kahapon.

Kung ang sugat sa puso ko

Nananatiling ang pilat ay naririto?


Hanggang kailan nga ba magdurusa,

Hanggang kailan malilimutan kita,

Hanggang kailan babalik-balikan ng mga alaala,

Na sa isip at puso ko'y ayaw nang sariwain pa?


Kung maibabalik ko nga lang ang kahapon,

Hindi ko nanaising ibigin kita noon

At maging bahagi ng iyong kahapon.

Na sa panaginip, taliwas sa pangarap ko noon.


Magsisi man ay huli na ang lahat...

Gagawin ko na lang kung ano ang nararapat.

Marahil, paglimot sa iyo ay sapat

Upang mamuhay ako nang mapaya't maluwat.


Salamat pa rin sa isang napakagandang alaala,

Na naging bunga ng ating pagsasama,

Na tanging sa buhay ko ay nagpapaligaya.

Na naging bahagi ng aking mga alaala.


Ito lang ang pakatandaan mo,

Marami ka mang sakit na dinulot sa puso ko,

Dahil sa'yo, lumaban at nagpakatatag ako.

Salamat , dahil may natutuhan ako!

Ang Buhay ay isang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon