Pagbabago

248 3 0
                                    

Paglibak mo'y 'di maikakala,

Mga kilos niya'y binabantayan mo pa,

Parang teleserye ang buhay niya,

Kinasasabikan ang bawat eksena.


Bakit 'di ka na lang maging masaya,

Na nakikita mong umaangat siya?

Nababahala ka ba, na mahigitan ka

Ng taong hinamak mo noong una?


'Wag kang mag-alala, kung nagbago man siya,

Hindi para pagyabangan at hamakin ka rin niya.

Ang pagbabago ay 'di masama,

Basta walang natatapakang kapwa.


Kung ang pagbabago naman ay para sa ikabubuti

At hangad lang paunlarin ang sarili,

Bakit ka mananaghili,

Kung pakikisama sa iyo'y nananatili?


Marahil, ikaw lang ang nagbago.

Halata naman sa kilos at salita mo.

May inggit ba riyan sa puso mo?

Halata kasi ang pag-iwas mo.


Tandaan, pagbabago'y permante 'yan,

Tulad ng pag-ikot ng gulong ng sasakyan.

'Di mo mapipigilan, pagtaas at pagbaba niyan,

Kung sadyang diyan na talaga nakalaan.

Ang Buhay ay isang TulaWhere stories live. Discover now