Salamat, Mga Kaibigan Ko

225 3 0
                                    

Salamat, kaibigang plastik!

Akala ko, kaibigan kitang matalik,

Kasa-kasama ko sa mga gimik,

Pati sa pag-iyak at hagikhik.


Ngunit, balatkayo lang pala

Magaganda mong pinapakita.

Pagtalikod ko, saka ka tumitira.

Ngayon, alam ko na, plastik ka pala!


Salamat din, kaibigang balimbing!

Pagkaharap ko, ako sa'yo'y magaling.

Sa aking kaaway, mga salita ko iyong pinararating,

Dinadagdagan pa ng dila mong sinungaling.


Para kang ahas sa kagubatan!

Sa pagkilos ay dahan-dahan,

Hanggat 'di ko namamalayan,

Nasa bingit na pala ako ng kamatayan.


Salamat, kaibigang totoo!

Mga kabaluktutan ko'y pinupuna mo.

Harapang sinasaway ako

Sa mga kamaliang ginagawa ko.


Iisa o dadalawa lang kayo,

Mapalad pa rin ako

Sa pagkakaroon ng tulad niyo,

Tinatanggap kung sino ako.


Salamat sa inyo, mga kaibigan!

Ako, sa inyo'y may natutuhan.

Maging mapanuri sa pakikisamahan

At piliin ang mapagkakatiwalaan.

Ang Buhay ay isang TulaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt