Sa Tuktok ng Bundok

873 2 0
                                    

Bakit mo pinagmamasdan ang tuktok ng bundok?

Nais mo bang makarating sa rurok?

Kung nais mo, 'wag kang umupo,

Tumayo ka at humayo.


Simulan mo nang lakbayin,

Kung ito ay nais marating.

Maaaring dahan-dahan itong baybayin,

Lakas ng loob iyong baunin.


Mababangis na hayop sa kagubatan, makaharap man.

Harapin mo sila at iyong labanan.

Sa masukal na damo, maaari kang masugatan,

Hawiin mo lang ito nang dahan-dahan.


'Wag mong iurong ang iyong mga paa,

Bagkus isulong, kung saan ka pupunta.

'Wag mo nang lingunin landas na tinahak na,

Idiretso mo lang, ang iyong mga mata.


Siguradong makakarating ka,

Ihakbang mo lang iyong mga paa.

Sa Diyos ay magtiwala ka.

'Di ka nag-iisa sa paglalakbay, kasama mo Siya.


Isipin mo, bago marating ang tuktok ng bundok,

Dadaan ka muna sa mga pagsubok

Upang makamit mo ang tagumpay,

Na nais makamtan sa buhay.

Ang Buhay ay isang TulaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt