Huwag Mo Akong Husgahan

350 3 0
                                    

Huwag mo akong husgahan sa aking kamalian.

Ako'y tao lang din naman, na nadudungisan.


Huwag mo akong husgahan sa aking kakayahan.

Lahat tayo'y may kani-kanyang kahinaan.


Huwag mo akong husgahan sa aking katauhan.

Tanging ako lang, nakakaalam ng katotohanan.


Huwag mo akong husgahan sa panlabas na kaanyuan,

'pagkat kalooban ko'y may natatago ring kagandahan.


Huwag mo akong husgahan sa aking katayuan,

sapagkat Diyos lang ang nakakaalam ng kapalaran.


Huwag mo akong husgahan sa aking nararamdaman,

dahil may puso ka rin naman.


Huwag mo akong husgahan ang aking kabuuan,

sapagkat magkakaiba tayo ng pangala't katangian.


Ang Buhay ay isang TulaWhere stories live. Discover now