Kaibigan Ko

348 2 0
                                    

Mayroon akong kaibigan--

Nene Marilyn Rubinos Alcones Sibungcal ang pangalan.

Kami'y halos magkatulad ng katangian,

Kaya madaling nagkapalagayan ng kalooban.


Siya ang taong madaling maging kaibigan

Dahil sa ugali niyang may kakalugan.

Ngiti sa labi niya'y 'di matatawaran,

Tila ba'y walang suliraning pinagdaraanan.


Sa kabila ng kaniyang mga ngiti,

Puso niya rin ay nagdadalamhati,

Pilit tinatago ang nadaramang hapdi

Pagkat minsan suliranin ay 'di maibahagi.


Siya ay babaeng marunong magdala

Ng mga problema't pasanin niya.

Laging positibo ang pananaw niya

Sapagkat sa Diyos sumasampalataya siya.


Sa Kuwait Chapter, 'pag puso'y nagsulputan,

Siguradong si Nene Marilyn at nariyan.

Pag-ibig, nais niyang ipakahulugan,

Na maibahagi kanino man.


Sa mga kaibigan, siya ay maalalahanin.

Mga payo niya'y tiyak na diringgin,

'Pagkat nanunuot sa puso't damdamdin.

"Magpakatatag ka," ang madalas niyang sabihin.


Siya rin, minsan ay kinaiinisan

Dahil sa kaprangkahan.

Ayaw niya lang naman nang talikuran

Dahil totoo siyang kaibigan.


Isa siyang mabuting asawa,

Sa pamilya'y may pagpapahalaga.

Sa nakaraang anibersayo nila, siya'y maligaya.

mula nang pinagbigkis sila, matatag ang pagsasama.


Dumanas man sila ng maraming problema,

Hawak-kamay nalagpasan nila

Dahil sa pagmamahal, respeto, at unawa,

Kaya pagsasama nila'y pinagpala ng Diyos Ama.


Biniyayaan sila ng supling

Na sa pagtanda ay makakapiling,

Mga anghel na handog ng Diyos Ama,

Na sa kanila ay ipinagkatiwala.


Napagtanto ko, siya'y huwarang ina--

Inang mapagmahal, maunawain, at 'di pabaya.

Mga anak, busog sa pangaral niya,

Sa pagkaing espirituwal, 'di nauuhaw sila.


Isang inang puno ng pagsasakripisyo,

Pilit na nagbabanat ng buto,

Nagdurusa man at nahihirapan sa trabaho,

Ang wika niya'y "Para sa pamilya, kakayanin ko ito."


Inang pilit napapakatatag

Sa mga pagsubok ay 'di patitinag

Habang may sinag pang nababanaag,

Na tatanglaw sa kaniyang paglalayag.


Siya′y inang nagpapakasakit,

Tanging sa Diyos lang kumakapit,

Upang tagumpay ng mga anak ay makamit,

Nang ang paghihirap niya'y maganda ang kapalit.


Kaya, ang buhay niya'y sa Diyos ipinagkakatiwala.

Napupuno siya ng pananampalataya,

Na ang Diyos sa kaniya ay 'di magpapabaya,

Mga pagsubok sa Diyos na pinauubaya.


Iyan ang aking kaibigan--

Kaibigan na nasumpungan,

Nang panahong loob ko'y pinanghihinaan.

Sa kanya ako humuhugot ng kalakasan.


Maraming salamat sa iyo!

Sana, tula ko ay magustuhan mo,

Handog para sa'yo,

Alaala ng pagiging mabuting kaibigan mo.


Ang Buhay ay isang TulaWhere stories live. Discover now