May hinanakit pa ba sa iyong puso
Sa mga taong nag-alipusta at nagmaliit sa'yo?
Kinikimkim mo pa ba ito
Na nagpapabigat sa dibdib mo?
Ang lahat ng iyan ay palayain na
Upang ikaw ay maging masaya,
Nang sa pagtulog, ikaw ay mapayapa
dahil wala nang hinanakit sa kapwa.
Pasalamatan mo na lang sila
Sa malaking tulong na naiambag nila
Ngayo'y tagumpay' nakakamit mo na
Dahil sa mga hamon nila.
Bakit mo pa iyon papansinin?
Sa dami na ng biyaya sa'yo ay inihain,
Sapat na 'yan upang ang lahat ay limutin
At sila'y tuluyang patawarin.
Patawarin mo na sila,
Ikaw ngayon nama'y pinagpala.
Diyos na sa kanila ang bahala--
Bahalang humusga sa kanilang sala.
![](https://img.wattpad.com/cover/88972293-288-k70550.jpg)
YOU ARE READING
Ang Buhay ay isang Tula
PoetryMga tula tungkol sa buhay, pag-ibig, pagsubok, pananampalataya, at iba pa.