Sana ang buhay' katulad ng papel at lapis--
Ikaw ang guguhit sa buhay na iyong gusto,
Kapag nagkamali ng guhit, pwedeng burain ito,
Isaayos at itama pagandahin nang husto.
Ang papel, pwedeng mong ingatan na 'di magusot at madumihan ito,
Puwede ring lamukusin at itapon kapag 'di mo na gusto.
Ang lapis at papel na pagmamay-ari mo,
Kontrolado mo ang bawat galaw nito
At maaari mo nang ihinto kapag 'di mo na gusto.
YOU ARE READING
Ang Buhay ay isang Tula
PoetryMga tula tungkol sa buhay, pag-ibig, pagsubok, pananampalataya, at iba pa.