Droga: Sa Kamay ng Pulitiko

5.3K 14 0
                                    

Droga ay ugat ng kasamaan,

Na sanhi nang kaguluhan,

Sisira sa'yong kinabukasan,

Kung 'di mo mapaglalabanan.


Sa droga marami ang natutukso,

Kapit sa patalim ang mga tao,

Kahit alam ang epekto nito,

Maraming buhay ang mawawasak dahil dito.


Ngunit, sa kanila 'di iyon mahalaga

Basta sila ay kumikita ng pera,

Mamuhay nang masagana

Masunod ang mga luho nila.


Kaya't marami ngayon ang salot,

Mga pulitiko tayo ay pinapaikot

Sila pala'y numero unong sangkot,

Protektor ng ipinagbabawal na gamot.


Paano nga ba naman ito malilipol

Kung mga pulitiko'y nadadala sa suhol?

Droga na dito ay kumpol-kumpol,

Ginagawa ng mga dayuhang ulol.


Masakit mang isipin...

Pulitiko na binoto natin,

Pinili na mamumuno sa atin,

Sila pala'y pasakit lang din.


Mga taong sa Bilibid na nakakulong,

Sa droga sila ay mas lalong nalulong

At ang masaklap 'di magawang isuplong

Dahil may protektor na dugong.


Sa araw-araw ating nakikita--

Druglords, users, at pushers sumusuko na!

Patunay na ang droga ay talamak na

Saang dako ka man ng Pinas pumunta.


Buti na lang andiyan si Bato,

Matapang at dedikado sa serbisyo

Babanggain kahit malaking tao,

Alang-alang sa mamamayang Pilipino.


Maraming salamat din sa pangulo,

Sa magandang adhikain mo,

Paglilingkod nang taos sa puso,

Sa bansang sinilangan mo.


Viral ka na ngayon sa buong mundo,

Hinahangaan sa talino at tapang mo

Mga tao saludo sa'yo.

Mabuhay ka mahal naming pangulo!

Ang Buhay ay isang TulaWhere stories live. Discover now