Dilim

11 2 0
                                    

Napakaraming dapat gawin ngunit hindi ko alam kung saan magsisimula
Wala akong ginagawa, pero nakakapagod
Hindi ako umiimik, pero napapagod akong magsalita
Nabablangko ang utak ko
Sinasakop ng kalungkutan na hindi ko alam ang dahilan
Nakakapagod
Kaya mahihiga ako
At tititig sa kawalan
Mag-iisip ng kung ano-ano
Hanggang sa tuluyan nang maiyak
Luluha nang hindi naman alam ang dahilan
Bakit?
Saan nanggagaling ang kalungkutang ito?
Pakiramdan ko'y pinipiga ang aking puso
Sinisimut ang bawat patak ng kasiyahang naroon
Hanggang sa puro kalungkutan na lang
Malalim na kalungkutang nakalulunod
Nakakapagod bumuo ng mga tanong hindi masagot
Nakakapagod mag-isip

Kaya ngayong napakaraming dapat gawin,

Alam
ko
na
kung
saan
magsisimula.

08/31/18
1:26 pm

UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon