may tanong ako

10 2 0
                                    

May tanong ako,
Nakakatuwa ba akong paglaruan?
Nakakatuwa bang ako'y pagmasdan habang nagkakandarapa sa harap mo
Marahil tinatawanan mo na rin ako
Dahil isang kalabit mo lang,
Bumabalik ako
Nababaliw muli ako
Sa iyong mapagsinungaling na labi
Sa huwad mong mga salita
Sa iyo

May tanong ako,
May espasyo ba talaga ako d‘yan sa puso mo?
Wala?
Wala.
Tama.
Dahil tulad ng isang laruang manika,
Kailangan mo lamang ako kapag wala kang magawa
Wala ka naman kasing ibang gustong gawin
Kundi maglaro
Ng puso
Ng damdamin

May tanong ako,
Bakit kahit basag na ang pusong de susi ay nandito pa rin ako?
Bakit hindi makatakbo palayo?
Dahil nakakulong sa hindi makitang rehas?
Dahil nalilingkis ng mga salita mong animo'y ahas?
Mga salitang animo'y ahas kung makatuklaw.
Makamandag.
Matindi ang lason at umaabot sa utak.
Nabablangko.
Nabobobo.

Ikaw ay malupit
Masyado kang mapanakit
Ang papel ko sa buhay mo ay unti-unti nang napupunit
At ang sugat ay habang buhay nang nakaukit
Sa pusong may lamat
Sa pusong walang ingat

Ngunit may tanong ako
Kailan ako magiging malaya sa iyo?

UnfixedWhere stories live. Discover now