ang pagganti ng isang manunulat

10 3 0
                                    

Huwag mong saktan ang isang manunulat
Sapagkat napakadali lamang sa kanya ang pagganti
Napakadali lamang sa kanyang lumikha ng mga taludtud kung saan ikaw ang nagdadalamhati
Kung saan ikaw ang iniwan
Kung saan ikaw ang lumuluha
Kung saan ikaw ang nagmamakaawa

Huwag mong wasakin ang puso ng isang manunulat
Dahil kaya niya ring wasakin ang sa iyo
Gamit lamang ang papel at panulat
Gamit lamang ang kanyang mga salita
Gamit lamang ang kanyang tula

Huwag mong saktan ang isang makata
Sapagkat napakadali lamang sa kanya ang gumanti
Napakadaking isulat ng iyong pangalan sa papel at bigyan ng karakter
Napakadaling isulat sa papel kung paanong ang talim ng kanyang kutsilyo ay sumusugat sa iyong balat
Higit na mas madali rin na isulat kung paano ka malagutan ng hininga
Kaya niyang kuntrolin ang takbo ng iyong buhay na naisulat sa kapirasong papel gamit ang maitim na tinta

Dahil ang bawat salitang kanyang naisusulat
Ay katumbas ng kanyang mga luha

Ang pagganti ng isang manunulat

UnfixedWhere stories live. Discover now