kapit

16 3 0
                                    

Sa bawat pagpikit at pagmulat ng iyong mata
Lalong bumibigat
Lalong dumadami
Ang sakit
Pag-aalinlangan
Pagkapagod

Pagkapagod sa mga taong hindi ka maintindihan
Hindi ka sinusubukang intindihin
Gayong tulad ka rin ng isang librong mababasa lang kapag binuklat
At mananatiling misteryo kung tititigan lang ang aklat

Pagkapagod sa pagkakakulong sa walang hanggang kalungkutan
Ang kalungkutang walang talim ngunit nakasusugat ng malalim
Nilalamon ka nito at ibinabaon
Hanggang hindi mo na magawa maging ang pag-ahon

Pagkapagod sa pag-iisa
Ang puso mo'y animo'y nagsara na ng kusa
Tanong sa sarili'y iisa
Susuko ka na ba?

Kaya,

Ilalahad ko ang aking kamay
Abutin mo at hawakan ng mahigpit
Katapusan ay sasapit
Ngunit sasamahan ka
Hindi iidlip

Madadapa ka at mapapagod
Luluha at manghihina
Masasaktan ngunit hindi susuko

Magdurugo at kikirot ang mga sugat
Ngunit maghihilom rin ito sa isang iglap

Tutulo ang luha
Mararamdaman ang sakit
Ngunit mapapawi rin ito kasama ng mga pait

Hindi ka nag-iisa
Lumingon ka sa paligid at iyong makikita
Ang mga ngiti ng mga taong sa kanila'y ika'y mahalaga

Marahil hindi natin alam kung kailan
Lalakbayi'y hindi alam kung hanggang saan
Ang lahat ay walang kasiguraduhan

Pero sa kabila ng lahat,
Maaari ka bang ngumiti, kaibigan?

UnfixedOn viuen les histories. Descobreix ara