papel at pluma

19 3 0
                                    


nakakulong sa mga ala-alang parang rehas
hindi makaalis
hindi makatakas
nalulunod sa mga sakit na dinulot mo
nang nagpasya kang tumalikod at lumayo
nang ika'y nagsimulang sumuko
naiwan ako nang walang sasaklolo
paano muling magsisimula?
ngayong ang lahat ay natapos na

ang mga sakit na ito'y kahit kaila'y hindi na mabubura
mga sakit na habang buhay nang nakapinta
kaya gaganti ako,

gaganti ako gamit ang papel at pluma

susugatan ko ang iyong puso
ipadadama ang sakit ng pagsuko
malulunod sa sariling pagluha
mapapagod at susuko ng kusa

lulunudin kita gamit ang tinta
lahat sa iyo'y mawawala
iguguhit ang lahat ng pangakong iyong sinambit
ikukulong sa mundong mapanakit

sasaktan kita
gamit ang papel at pluma

UnfixedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin