buhay. katapusan. kapayapaan.

4 0 0
                                    

Ito ba ang buhay?

Ang pagbangon at muling pagkadapa? Ang paghihilom ng mga sugat at muling pagdurugo ng mga ito? Ang pagpapanggap at muling pagluha? Ang pagkabasag at kawalan ng gana sa muling pagkabuo? Ang pagluluksa at pagkamuhi sa sarili? Ang pagsasayaw sa saliw ng pag-asa at pagsuko?

Nasaan ang ganda ng buhay na sinasabi nila? Mayroon nga ba?

O marahil, sadyang ganito. Na imbis isipin ang bukas, hahangarin na lang ang hindi paglipas ng kahapon.

Na mananatili ka na lamang ngunit naghahangad ng katapusan ng mga segundo sa bawat buntong-hininga.

Marahil, sa ibang tulad ko, ang buhay ay kasingkahulugan ng katapusan. Sa halip na managinip ay aabutin na lamang ang dulo.

Dahil marahil, naroon ang buhay. Marahil, naroon ang kapayaan.

At kung iyon nga ang sagot sa lahat ng mga tanong, marahil, malapit ko nang maabot ang kapayapaan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon