ang pagsuko

13 3 2
                                    

Isa,
Dalawa,
Tatlo,

Tunghayan ang kwento ng dalawang taong nasira sa pamamagitan ng tatlong salita—
“Malaya ka na”
Tatlong salitang pumapaslang—
Ng puso.
Tatlong salitang walang talim ngunit nakasusugat—
Ng malalim.

Apat,
Lima,
Anim,
Anim na beses na pumikit upang subukang ihinto ang pagdaloy ng luha

Pito,
Walo,
Siyam,
Siyam na paatras na hakbang
Lalayo
Tatakbo

Ngunit,

Sampu
Sampung mga katanungan

Sino nga ba ako?
Sa paghabol sa iyo'y,
Sarili ay nalimot ko

Bakit  gumulo?
Hindi ba't matatag ang mga pangako mo?
Bakit ngayon ay mag-isa na lamang ako?

Saan ako tutungo?
Naliligaw sa pagtalikod mo
Ang makipot na daan papunta sa puso mo'y tuluyan nang naglaho

Kailan makakabangon?
Kailan aahon?
Panay ang pagtumba sa mga ibinabatong hamon
Kaawa-awang sitwasyon
Ano ba ang gagawing sulusyon?
Paano ako lalangoy sa nakalulunod mong ilusyon
Paano?
Paano ako magsisimula sa katapusang ito?

Kaya bumalik tayo sa simula

Isa
Dalawa
Tatlo
Subukan nating bilangin ang pagpatak ng ulan
Subukang bilangin ang bituin sa kalangitan

Apat
Lima
Anim
Subukan nating sukatin ang lawak ng mundo
Subukang alamin ang bawat misteryo nito

Pito
Walo
Siyam
Subukan nating tanawin ang lawak nito
Subukang alamin kung hanggang saan na lang ako

Ngunit tulad ng pag-asang maaari pa tayong dalawa—
Imposible
Malabo

Kaya,
Sampu...

Pagsuko.

UnfixedWhere stories live. Discover now