Spoken Poetry #1 (MANTSA)

7 1 0
                                    

Patuloy na dinidilig ng mga luha ang tigang na damdamin
Patuloy ang paghangos mula sa paghabol sa kan’yang paglayo
Patuloy ang pagdurugo ng pusong napagod sa pagkabigo
Ano pa ba ang dapat gawin para hindi masaktan?

Wala?
Wala. . .

Wala kung hindi ang manuod,
Manahimik,
Magsawalang bahala,
Ngunit iyon rin naman ang makakasakit sa’yo
Sapagkat wala kang magawa kundi manuod habang ang taong dating sa’yo,
Ngayo’y nasa piling na ng iba
Wala kang magawa kundi manahimik habang ang mga labing nagsabing mahal ka ay nagsinungaling pala
Wala kang magawa kundi magsawalang bahala habang patuloy kang nababasag
Walang magawa kundi sumigok at lumuha

Hangal. . .
Isa kang hangal sa patuloy na pagkapit sa mga pangako niyang isang ilusyon

Isa kang hangal sapagkat pinaniwalaan mo ang kanyang mga salitang hinabi lamang ng mapagsinungaling niyang mga labi para sa isang dahilan—
Ang saktan ka

Hindi ka makatakas
Hindi ka naman preso
Ngunit nakakulong ka
Hindi ka naman patay
Ngunit bakit parang tumigil ka na sa paghinga?
Tao ka naman
Ngunit bakit ibinasura ka?

Malalim ang sugat na nalikha
At sa bawat paggalaw ng mga kamay ng orasan
Nalulunod ka lalo sa nakaraan
Ang mga galamay nito’y mahigpit na nakakapit sa iyong isipan
Tumatatak. . .

Sapagkat,
Ang pag-ibig
Niya’y
Isang
Mantsa

UnfixedWhere stories live. Discover now