Ang Pagluha ng Isang Makata

14 2 0
                                    


Ang makata ay ang tula
Ang mga letrang  bumubuo sa bawat saknong ay ang kan’yang mga luha
Ang mga sakit ay ang permanenteng tinta
At ang papel ay ang kan’yang puso

Ngunit bakit ang makatang ito ay hindi na makasulat?
Unti-unting naglalaho ang mga tugmang nalikha
Kanino na nga naman niya ito maiaalay ang mga katha?
Wala na. . .
Nawala na. . .

Sumusubok siya na muling humawak ng panulat
Ngunit dumidiin lamang sa papel ang dulo,
Kumalat lamang sa papel ang tinta
Walang salitang nalikha
Naliligaw pala ang makata

Paano muling makasusulat ng mga tulang may silbi?
Gaano karaming pagkabasag pa ang maaani?
Sino ang makatutulong upang muli ang apoy ay sumindi?
Saan mahahanap ang nawawalang sarili?

Sino ang makatang ito?

Siya ang makatang tanging papel at panulat ang nagsisilbing panabing
Tanging papel at panulat ang sandata
Tanging papel at panulat ang kan’yang kaibigan
Tanging papel at panulat ang kakampi

Siyang ang makatang walang pangalan

Saksihan mo ang pagmantsa ng tinta sa papel. . .

Saksihan mo. . .
Ang pagluha ng isang makata

UnfixedWhere stories live. Discover now