"What the hell are you saying, Liza?! Are you out of your mind?"

"Huwag mo 'kong englishin! Masyado kang defensive"

"I'm not. Look, hindi namin ginawa, okay? I'm just 18 for Pete's sake!"

"Weh? Don't me ha! Age doesn't matter para makarating ka sa langit hahahaha"

"Ano ba! Bakit ganyan ang mga sinasabi mo? Bakit ginawa mo na ba? Ha?"

"Of course. Not just once, not just twice-"

"Tama na nga! Shit naman makaalis na nga!" Kinuha ko ang bag ko at naglakad ng mabilis.

Hindi ko man makita ang sarili ko, alam kong pulang-pula ang ang mga pisngi ko.

Nakakainis! Bakit kasi 'yun ang pinag-usapan namin!

Argh! Parang ako ang nahihiya sa sarili ko. Ano naman kaya ang pumasok sa utak ng babaeng 'yun at naisipan nyang may nangyare na sa amin ni Sean?

'Yung malalim na halik lang naman ang nangyare eh

Aish! Umiling-iling ako para tanggalin sa utak ko ang mga naisip ko. Kahit maaga pa para sa unang klase ko, dumiretso na ko sa classroom namin. Hindi ko naman inaasahan na maaabutan ko agad dun ang paborito kong teacher.

"Good morning Sir Ernest!" Masiglang bati ko.

Isa sya sa mga tumulong sa akin para mas lalong mag-improve hindi lang sa painting kung hindi sa lahat ng bagay. Ang tiyaga nya talaga sa akin noon kahit nangangapa pa lang ako.

Bata pa si sir dahil maaga syang nakapagtapos. Bukod dun, mas bata din ang itsura nya kumpara sa edad nya kaya madalas syang napagkakamalan na estudyante. Marami din ang nagkakagusto dito dahil hindi lang naman talino ang maari nitong ipagmalaki, pati ang itsura nito.

"Andito na pala ang paborito 'kong student"

"Ang aga aga sir nambobola agad kayo"

"Kailangan magpalakas eh. Fiancee lang naman kasi ng may-ari ng school na pinagtatrabahuhan ko" biro nya.

Natatawa naman akong umupo sa tabi nya at humarap din sa canvass na kanina nya pa pinagmamasdan. Nanlaki ang mga mata ko ng makita na 'yung painting ko pala ang kanina nya pa tinitignan. Ito 'yung kauna-unahang beses na pininta ko ang mga mata ni Sean noong mga panahon na wala pa 'kong gusto sa kanya.

"Sir pano napunta sayo 'yan"

"Baka pinasa mo sakin" sarcastic pero pabiro nyang sabi. Napakamot nalang ako sa ulo ko.

Inakbayan nya 'ko at hindi naman ako nagulat o nailang. Close na talaga kami ni sir noon pa man at parang mag-kuya ang turingan namin lalo na kung hindi kami tinitignan ng mga tao bilang isang guro at isang estudyante.

"Hindi mo na ata ako kailangan eh. Mas magaling ka na sakin"

"Sir naman! Kailangan ko pa kayo...kailangan ko pa kayong bolahin para tumaas ang grade ko sa subject nyo" biro ko.

Kinurot nya ang tagiliran ko gamit ang bakante nyang kamay. Hindi naman ako nakaiwas dahil nakaakbay pa rin sya sakin.

"Loko ka talagang bata ka. Ibagsak kita dyan eh"

"Bahala kayo sir. Ikaw din, kayo na nagsabi, fiancee ako ng may-ari" biro ko ulit.

Tatawa-tawa syang tumayo at ginulo ang buhok ko na madalas nyang gawin. Dun din sya madalas mabadtrip dahil ayaw daw magulo ng buhok ko. Naku kung hindi ko lang alam na staright si sir baka inisip ko na kapederasyon nya si Cedric.

Nilibot ni sir ang classroom. Seryoso nyang tinignan at pinagmasdan ang iba pang paintings na gawa naman ng mga kaklase ko sa subject nya. Ayoko naman syang guluhin kaya umupo at tumahimik nalang ako sa isang tabi.

The Possessive GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon