Narinig kong tumunog ang phone ko kaya naman dumiretso ako sa study table ko at kinuha sa drawer ang phone ko.

Gino calling...

Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago ko sagutin ang tawag.

(Hello? Yssah?)

Napangiti ako ng marinig ang boses niya. Nag aalala siya masyado. Akala niya siguro napagalitan ako ni Patrick dahil late na akong umuwi.

(Yssah? Okay ka lang ba? Pinagalitan ka ba ni Patrick? Tatawagan ko si Patrick para mag explain.)

"Wag. Okay lang ako.." I tried to sound normal dahil panigurado mag aalala nanaman siya. "..hindi naman niya ako pinagalitan eh. Okay lang daw basta.. s-safe  ako umuwi." naiyak nanaman ako. Bakit ba naman kasi ang babaw ng mga luha ko? Bakit kailangan ko pang magselos sa mga ganung eksena?

(Sshhh.. umiiyak ka nanaman eh. Hindi na ulit ako magtatanong kung anong nangyari. Magpahinga ka na. Goodnight, bye.)

"G-gino.."

(Bakit?)

"Salamat.."

(Wala 'yon. Sige na, magpahinga ka na.)

"Sige, goodnight din" ako na ang pumutol sa tawag.

Tumayo ako at nagpalit na ng pantulog. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. Tsk. Namamaga nanaman ang mata ko. Ang sipag kasi umiyak eh.

Natigilan ako ng marinig kong may kumatok sa pinto at nagsalita.

"Yssah.. let's talk.."

Mahinahon na siya. Bakas sa boses niya ang lungkot. Hindi ko alam kung bubuksan ko ba ang pinto o magpapanggap na tulog na lang ako?

I decided not to open the door. Nahiga na lang ako sa kama ko at pinilit makatulog.

"Yssah, wala na si Rhian kanina pa. Pwede na ba tayong mag-usap?"

Rhian. Narinig ko nanaman ag pangalan ng Ryan na iyon. Umikot ako sa kabilang direksyon, patalikod sa pinto. Gusto ko munang magpahinga. Panigurado kapag nag usap kami iiyak lang ako at makikinig ako sa kaniya. Hindi ko kasi kayang makita siyang malungkot din dahil sa inaasal ko.

Narinig kong tumunog ang lock ng pinto. Geez. Nakalimutan kong may susi din pala siya ng kwarto ko. Mas lalo kong ipinikit ang mga mata ko at nagpanggap na tulog.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya. Naramdaman ko ang pag galaw ng kama ko kaya panigurado naupo na siya sa kabilang side ng kama.

Please lang naman Patrick! Umalis ka muna oh! Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko yakapin pa kita ng sob--WAAH! Niyakap niya ako!

Layo! Lumayo kaaaa! Yung puso ko nanaman ang bilis ng tibok. Dapat galit ako sayo! Dapat nagtatampo ako sayo pero bakit ganito ang ginagawa mo?

"Yssah.. sorry sa mga nasabi ko kagabi at kanina. Masyado lang akong nag alala eh. Noong umuwi ako dito galing sa Tabi Island, walang signal sa byahe kaya hindi ako nakatext o naka tawag. Inaasahan ko ikaw yung madadatnan ko pag-uwi. Halos baliktarin ko na ang buong bahay pero wala ka. Pumunta pa ako sa school niyo pero wala ka do'n. Tinawagan kita at tinext pero wala kang sagot.." gusto ko siyang yakapin pero minabuti kong wag muna. Gusto komg marinig ang sasabihin niya.

"Hindi mo alam kung gaano ako nag aalala sayo. Rhian helped me to find you. Muntik na nga akong pumunta ulit sa mga pulis eh. But I know wala din silang magagawa dahil kailangang 24 hours ka ng nawawala bago ka nila hanapin."

Narinig kong suminghot siya. Is he crying? Hindi ito ang unang beses na umiyak siya pero masyado ng matagal ng huli kong nalamang umiyak siya eh.

"I don't know what to do.. Sumama si Rhian hanggang dito sa bahay sabi niya uuwi ka din naman kaya sasamahan niya na lang ako hanggang sa maka uwi ka. Naligo lang ako ganun na ang eksenang nakita ko.. Hindi ko siya kinakampihan. Ayaw ko lang magkasakitan kayo, she's my friend and you're my forever ayaw kong masaktan ka. Pero anong ginawa ko? Nasaktan kita dahil sa mga salitang binitawan ko.."

Suminghot ulit siya. Kahit ako tumutulo na ang luha ko. Nakayakap pa din siya sa akin.

"Kanina.. para na akong tangang nag aalala sayo. Naiinis ako sa sarili ko dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit iniwan mo ang phone mo. Yssah.. sorry na.. Wag ka ng magalit." hindi ko na natiis. Hinawakan ko ang braso niyang nakapulupot sa katawan ko.

"Bakit magkasama kayo ni Ryan sa Tabi Island?" hindi pa din ako lumilingon sa kaniya. Gusto kong malaman talaga eh.

"Hindi kami magkasama, nagkita lang kami sa Tabi Island. Nagkataong may pinuntahan siya do'n at pinagusapan na din namin yung tungkol sa project." humarap na ako sa kaniya at nakita ko na ang mukha niyang may mga luha katulad ng mga mata ko.

"Eh bakit kailangan pang pumunta siya do'n sa bahay niyo?" nag pout ako kahit puro luha na ang mata ko. Pinunasan niya naman ang mga luha ko at ngumiti siya sa akin.

"Dahil sa project, mrs. Saavedra. Hindi kita ipagpapalit kung 'yun ang iniisip mo. Masyado kitang mahal. Tatapusin ko lang ang project na 'to para magkasama na tayo palagi. Wala ng Rhian. Pero sa ngayon, pagtiisan mo muna si Rhian ha.. Kasama siya sa project kaya di ko siya maiwasan."

Tumango ako. Kaya ko naman pagtiisan eh. Wag lang talagang sobrang e-epal yun.

"Now, tell me. Saan ka ba galing kagabi at kanina? Masyado mo akong pinag alala."

Oh ow. Sasabihin ko ba? Kasama ko si Gino. Baka magalit na talaga siya. Pero mas magagalit siya kung di ko sasabihin. Paano kung siya yung magsinungaling sa akin? Di ko kakayanin. Haist.

"Ahmm.. k-kagabi.."

"Hmm?" nakahiga pa din ako at di ako makatingin sa mga mata niya. Siya naman, nasa left side ko at nakatukod ang siko sa unan at ang kamay ay napapatungan ng ulo niya. Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kamay ko at nilalaro iyon.

"K-kasi.. galing kami sa orphanage." natigilan siya sa paglalaro ng kamay ko. Waah! Wag kang magalit Patrick! Huhuhu. Sorry na..

"Tapos.. pumunta kami sa condo niya, nag diner kami doon kasi nandoon si.. m-mama."

Di tuloy ako makatingin sa kaniya. Nakakatakot pa naman magalit si Patrick. Waah! Sana wag siyang magalit. Huhuhu :'(

"T-tapos.. kanina.. kanina nag ice skating kami. Kumain ng ice cream. Waah! Patrick sorry.." naiiyak nanaman ako. Bakit ba naman kasi nagpaka isip bata pa ako dahil sa selos ko. Nag alala pa tuloy sa akin si Patrick. Iniwan ko ang phone ko. Nakooooo!

"Why are you saying sorry?"

"Kasi.. kasi baka magalit ka dahil kasama ko si Gino tapos di pa ako nagsabi sayo." hinawakan niya ulit ag kamay ko at pinisil niya ang kamay ko.

"I can't deny the fact that I am jealous. Siya ang madalas mong kasama na in the first place, ako naman dapat. But still, I'm glad na siya ang kasama mo. Alam kong safe ka sa kaniya.. Promise me.. next time.. tell me if you're going somewhere. Ayokong mag alala ng sobra. kung anu-ano na pumapasok sa isip ko eh." niyakap niya ako at kinabig sa dibdib niya kaya naamoy ko siya lalo. Ang bago niya talaga.

Inamoy amoy ko pa siya. Hihihi. Minsan ko lang siya maamoy ng ganito lulubusin ko na. Namiss ko din siya eh.

"Mauubos ang amoy ko niyan eh. Ikaw talaga!" kinurot niya ang ilong ko. Nagpout ako at ang lokong 'to bigla akong hinalikan.

WAAH! Hinalikan ako ni Patrick! Magnanakaw ng halik! Namumula na tuloy ako. Patrick naman eh.. naipon ba ang ka-sweetan mo ha?

"Can I sleep here tonight? I badly missed you mrs. Saavedra." bakit ang sexy ng boses niya? Parang inaakit niya ako. Hihihi ^___^

"I miss you too, mr. Saavedra. I love you." lumapad ang ngiti niya at hinalikan ako ulit ng mabilis sa labi.

"I love you forever, Isabella Velasco - Saavedra."

Pumikit na ako at nakita ko ang sarili kong ikinakasal kay Patrick.. Sana isa na nga talaga akong Isabella Velasco-Saavedra. Ang cute diba? Hihihi ^___^ Ako lang pwedeng maging ganiyan.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

READ. VOTE. COMMENT.

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Where stories live. Discover now