"D-d-dad" hirap na hirap ako sa pagsasalita at halos pabulong pa. Nangangalay ang panga ako at parang nag-aaral pa lang akong magsalita.

"Yes, honey? What is it? Tell me"

"S-Sean...w-where....i-"

"Nasa kabilang kwarto sya anak....kritikal ang lagay"

May tumulong luha agad sa mga mata ko...paunti-unti hanggang sa nagtuloy-tuloy na.

Sandali kong nakalimutan ang sakit ng katawan ko pero mas masakit ang nararamdaman ko ngayon.

Nahihirapan akong huminga. Parang bumigat ang dibdib ko at may kung anong bumara sa lalamunan ko.

Kritikal lang ang sinabi ni dad pero parang unti-unti nitong winawasak ang puso ko. Sumasakit ang ulo ko at nanginginig ang katawan ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko pero dalawang emosyon ang pinakamatindi...sakit at galit.

Nasasaktan ako dahil sinapit namin 'to. Wala akong naaalalang ginawa namin na hindi maganda para lang maranasan namin ito.

At galit ako. Galit na galit ako sa mga taong nasa likod nito. Galit na galit ako sa mga taong pinagkatiwalaan namin pero-

"Anak... masasabi mo kung sino ang gumawa sa inyo nito?"

"S-si...sina-"

"Uhm sir, mas makakabuti po siguro kung 'wag muna nating pilitin magsalita si Ms. George. Baka makasama sa kanya"

Mas lalong nanginig ang katawan ko pero hindi ko alam kung bakit. Kung dahil sa ba takot....o sa galit.

Hindi ko alam kung saan nanggaling si Chris pero bigla nalang syang sumulpot sa tabi ni dad. Tumingin sya sakin na parang totoong nag-aalala sa kalagayan ko.

Ilang segundo ang lumipas, sumulpot din bigla si Zham na nasa kanan ko naman.

Mga traydor!

Mas lalong nagtuluan ang mga luha ko dala ng matinding emosyon na lumalamon sa pagkatao ko sa mga oras na 'to.

Kung kaya ko lang kumilos, kung kaya ko lang ay ibubuwis ko ang buhay ko masaktan ko lang sila.

"Mabuti nga siguro. George, anak gusto mo bang makita si Sean-"

"Tito hindi po ba makakasama kay George kung aalis sya sa kama nya?" Biglang singit ni Einstein.

Tumitig ako sa mga mata ni daddy. Hindi ko man masabi pero pilit nakikiusap ang mga mata ko na dalhin nya 'ko kay Sean...gusto kong dalhin nya 'ko sa mahal ko kahit mapasama ang kalagayan ko.

"Ako na po ang magdadala kay George"  prisinta ni Zham.

Hindi ko magawang umangal, kainis!

"Si-sige" hindi ko alam kung paano sasabihin kay dad na huwag syang pumayag.

Bakit ba hindi ako makapagsalita ng ayos?!

Inalalayan nila ako para makaupo sa wheelchair. Sinubukan kong makipag-usap kay dad gamit ang mata ko pero hindi ako binigyan ng pagkakataon nina Chris at Zham.

Tinulak nila agad ang wheelchair palabas ng kwarto na mas lalong nagbigay ng kilabot sa buo kong pagkatao.

Sa kabila lang ang kwarto ni Sean kaya nakapunta agad kami. Nanlumo agad ako nang makita ko ang itsura ni Sean. Ang dami nyang pasa at halatang pinahirapan sya ng husto.

"Look at him, George. Tangina gwapo pa rin ang loko no?"

Hindi ko na makilala si Zham... parang hindi na sya ang Zham na nakilala at naging kaibigan ko.

The Possessive GangsterWhere stories live. Discover now