37) Reconciliation

426 18 12
                                    

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

===========================================================

37

[Reconciliation]

Lulan pa rin ng spaceship sina Stanley, Dan at mga guwardiya ni George. Nasabi ng mga ito na ang tawag sa kanila ni George ay One, Two,Three, Four and Five.. Naging ganuon na din ang tawag sa kanila ni Stanley at Dan.

Dapat ay tuluyan na silang aalis at lalayo sa pinasabog na bahay ni George, ngunit nakita nila habang lulan sila ng spaceship na sumakay si Camilla sa isa sa mga black na tangke. Napagpasyahan nilang lahat na sundan ang tangkeng iyon. Naniniwala silang nanduon si George at ginawang bihag. Naniniwala silang hindi kasama sa pagsabog ng kaniyang bahay ito.

Naisip ni Stanley na maaaring binihag ito dahil kailangan ng mga Nelestrum ang enerhiya nito at kapag isinama si George sa pagpapasabog ay masasayang lamang ang enerhiya na taglay nito at hindi na mapapakinabangan pa nila Camilla.

Sinabi ni One kay Stanley na pwedeng gawing invisible mode ang spaceship na sinasakyan nila. Espesyal daw itong spaceship na ito at merong mga special features na mismong si George ang nag-disenyo. Ingat na nga lang daw dahil kapag naka-invisible mode sila maaari silang tamaan o mahagip ng kung ano mang bagay dahil hindi sila nakikita. Extra precaution na lang daw.

Tuluyan ng sinundan nila Stanley ang black na tangke na sinasakyan ni Camilla. Maingat nilang sinundan ito...hanggang sa makarating sila sa Pasong Tamo, Makati.

Ayon ito kay Dan. Nasa Pasong Tamo na daw sila sabi nito. Patuloy pa rin nilang sinundan ang black na tangke. Wala namang nag-tataka na kung sino man kung ano ang ginagawa ng black na tangke , as in yung tangkeng pang-militar sa mga kalsada ng Makati. Siguro ay may kung ano ding ginawa ang mga Nelestrum dito para hindi mapansin ng mga normal na tao. Patuloy nilang sinundan ito at nakarating sila sa Ayala Avenue. Pagdating ng Ayala Avenue ay nakita nilang biglang nawala ang tangkeng itim sa harap ng PBCOM Building. Nagulat sila pare-parehas sa nangyari. Alam nilang nasa harap lamang ng PBCOM Bldg ang itim na tangke na iyon ngunit bigla itong nawala...

Napagpasyahan nilang ilapag ang spaceship sa isa sa mga parking lot sa likuran ng PBCOM. Tinakluban nila ito ng car cover na kulay grey para kunwari ay kotse din. Napagpasyahan nilang mag-survey sa vicinity ng PBCOM at sa PBCOM Bldg mismo. Nagpasya silang maghiwa-hiwalay ngunit si Dan at Stanley ay magkasama pa rin. Pumasok ang mga ito sa loob ng PBCOM.

XXX

Kasalukuyang nasa loob ng bus na pa-Ayala sina Andrew, Alyssa at Veron. Kasalukuyan pa itong nasa Buendia at nagpu-puno pa ng pasahero. Hindi naman mapakali si Andrew at ang likot nito sa upuan. Nasa pinaka dulo silang tatlo nakaupo.

“Huy! May bulate ka ba?! Napakalikot mo!” Hinampas ni Alyssa ang backpack na kandong nito.

“Eh ang tagal mag-puno ng bus na ‘to...Baka lumipat na naman yung gold na dot sa Beki Radar.”

Bekilandia (To be published under LIB)Where stories live. Discover now