47) Fourth Ancient Beki

376 17 17
                                    

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

===========================================================

47

[Fourth Ancient Beki]

 

 

 

 

Dumating na sa Binondo ang isa pang Ancient Beki na nagngangalang Leo. Si Leo ay hindi mukhang matanda in any way. Buffed ang katawan nito. Coppery ang kulay ng balat. Well defined ang muscles. May mahaba itong black na buhok na straight at shiny. May kohl na nakalagay sa parehas na talukap ng mga mata nito. Hindi na nagulat sina Veron na galing itong Cairo, Egypt. Mukha itong Pharaoh nung sinaunang panahon.

Ang magkabilang kamay nito ay napapalibutan ng madaming gintong pulseras. Naka-plain tshirt lamang ito na white at naka-jeans. Naka-brown sandals ito. Malayo ang porma nito kay George, 2nd Ancient Beki at Martin na pare-parehong bongga ang taste sa pananamit.

“George! Romerica! Martin!” Niyakap nito isa-isa ang mga Ancient Beki.

Nagulat naman si Dan at Byron dahil tinawag nitong Romerica si 2nd Ancient Beki na isang sikat na TV personality dito sa pinas.

Pinaghanda ni George ng breakfast ang mga alagad niyang sina One & Two. Tumulong naman si Stanley dahil na-discover niya recently na mahilig pala siya magluto. Sinamahan naman ito ni Dan sa kusina.

As usual, nagkwentuhan ang mga ito at nag-catch up sa mga pangyayari sa kani-kanilang mga buhay. Hindi naman kase nila kinu-contact ang isa’t isa on a daily basis. Mahirap dahil baka ma-trace ng mga Nelestrum ang mga activities nila. The mere fact na sama-sama sila ngayong apat dito sa Binondo ay lubhang napaka panganib na. Pero alam naman nilang for the mean time lang ito dahil sooner or later ay babalik na sila sa Bekilandia.

May kakayahan si Leo na sandaling mag-freeze ng time. Pero mga 5-10sec lang ang kaya niya, depende sa sitwasyon. Hindi niya kayang i-manipulate ng matagal ang panahon dahil naaapektuhan nito ang sarili niya.

Nag-wonder tuloy si Alyssa na baka ang kakayahan na iyon ni Leo ang dahilan kung bakit mukha pa rin itong bata. Pini-freeze nito ang aging process niya. Kung gayon, gusto itong matutuhan ni Alyssa. At least naisip niya na hindi na niya kailangang magpa-retoke if ever.

Sabay-sabay kumain ng agahan ang lahat. Maging si 2nd Ancient Beki o Romerica ay kasama nilang kumain kahit na sinabi nitong aalis din ka’gad siya dahil may taping pa. Matatapos na silang kumain ng biglang sumenyas si Martin sa hapag-kainan.

“B-bakit?” Tanong ni Romerica dito.

“Papunta na sila dito. Galing sa lahat ng direksyon.” Wika ni Martin.

“Mga Nelestrum?” Pagku-confirm ni Leo.

“Paano yan? Wala pa si 5th Ancient Beki?” Sabat ni Andrew.

“Kailangan nating maghanda. Alam kong hindi natin sila kaya dahil lubha silang marami.” Wika ni George.

Tumayo naman si Romerica at isinara ang mga portals na nasa loob ng bahay ni Veron. Nagi-ingat lamang daw ito at baka duon sa mga portals dumaan ang ibang Nelestrum. Mahirap na daw.

Bekilandia (To be published under LIB)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora