7) Evil in the Making

939 31 11
                                    

=========================================================== 

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

===========================================================

7

[Evil in the Making]

Madilim ang araw na ito ngayon. Makulimlim.

Nagbabadya ang masamang panahon. Yung mga mukhang coconut tree na tinatawag sa Bekilandia na CocoMartinNaught Tree ay nagsi-sway sa lakas ng hangin.

Nakasilip si Stanley sa bintana. Tanaw niya ang mga CocoMartinNaught Tree.

Bitter ang lola mo.

At as usual ay sinasabayan ng sama ng panahon ang sama ng damdamin na nararamdaman ng isang character sa kwento.

Bumuhos ang ulan.

Tulala si Stanley.

Sinara ang bintana at tinakpan ito ng makapal na kurtina. Nabalot ng dilim ang kwarto niya.

Nagbukas ng lampara si Stanley. Umupo sa study table. Binuksan ang makapal at maalikabok na libro na may cover na Winnie The Pooh. Hindi nga lang niya alam na iyon ang tawag sa cover ng book na yun.

Pinagmasdan niya sa book ang picture ng asul na planeta.

Bumuntong hininga siya.

"Hay. Sabi ng mga Ancient Beki ay nasa planetang ito ang kasagutan ng mga Confused."

At hindi sinasadyang naalala na naman niya ang pag basted sa kanya kahapon ni Andrew.

59 text messages, 14 missed calls.

Hindi tinitignan ni Stanley ang cellphone niya. Hindi siya pumasok ng trabaho ngayon. 

Wala siyang pinagsabihan na nagnu-nurse siya ng broken heart niya.

Magdamag ay gising lang siya, naka-cotton pajamas, umiinom ng hot choco while crying.

Natulog lang siya saglit. At bumuo ng plano.

Ni minsan ay hindi naging talunan ang isang Stanley Stellar.

Laging nasa kanya ang huling halakhak.

Alam niyang sa lahat ng pagkakadapa niya ay muli siyang babangon.

At ngayong araw na ito, sisimulan niya ang paghihiganti sa lahat ng mga Confused.

Fail ang years of intensive research kung paano mapi-perfect ang Bekirillium para hindii na mag-produce ng Confused. Fail duon si Stanley. Pero it doesn't mean that he's giving up.

He knows how to fight. He explored other alternatives.

Naglakad si Stanley papunta sa sala niya. Pinindot ang isang red button na nakukubli sa isang estante ng books. Oo, tama kayo, may secret hide out si Stanley.

Umikot ang estante ng books (as usual, as seen in other movies and stories) at nag-reveal ng isang metal na pintuan.

May numbers one to nine sa gilid ng pintuan at tinype ni Stanley ang code niya para magbukas ang pinto.

Pumasok si Stanley sa isang malaking lab. Mas malaki pa sa laboratory niya sa UNB International Lab.

Sa paligid ay makikita ang madaming mesa. Yung ibang mesa ay may mga high end, high tech computer na nakaparada. Yung iba ay buttons lang.

May mga neon liquid din sa ibang mesa na nasa beaker..test tube..at umuusok ang mga ito. Basta mukhang evil mad scientist lab ang secret hide out na yun ni Stanley.

Pero ang pinaka-notable sa laboratory niya ay ang neon pink spacecraft sa gitna ng lab.

May mga connecting lines ito sa mga malalaking machine na mukhang malaking iphone or android phone. Nagpapakita ng power at statistics ng spacecraft ang mga malalaking android phone sa paligid ng spacecraft.

"Konti na lang ay ma-stabilize ko na yung mga worm hole na dadaanan ko para mas mapabilis ang pagpunta ko sa earth."

"Kung tama man yung mga calculations na nagawa ko based dun sa mga pinamana sa'kin ng mga Ancient Beki, I'm pretty sure na tama yung mga location ng worm hole na ini-stabilize ko ngayon."

"Hello, Earth. Prepare for Stanley." Sabay smirk.

Hinimas muna ni Stanley ang neon pink na spacecraft bago tumalikod.

"Pagsisisihan mo Andrew ang pangba-basted mo sa'kin. Huhubells."

"Damay damay na kayong lahat. Kayong mga Confused!"

"BWAHAHAHAAHAHAHAHA"  First attempt ni Stanley mag-evil laugh.

Kinuha ni Stanley ang black coat na nakasampay sa gilid ng laboratory. Kumuha din siya ng shades. Taliwas sa angelic na itsura niya sa UNB International Lab.

"Ang gwapong mukhang ito ang magpapatikim sa inyo ng wrath." Habang chini-check ni Stanley ang itsura niya sa full body mirror na naka-install sa isa sa mga pader ng laboratory.

"Goodbye, Beki race." Sabay alis ni Stanley. Hinahangin pa ang mahaba niyang black coat kahit wala namang hangin. Basta pa-effect.

 ===========================================================

Nagustuhan mo ba? Please vote and comment if you do! Importante sa manunulat ang feedback ng kaniyang mga mambabasa. Salamat in advance! <3

Bekilandia (To be published under LIB)Where stories live. Discover now